Binili ko ito sa Cake2Go sa Timog. kahit wala si Nanay, may cake pa rin siya. Katulad namin ni Ana, peyborit din niya ang mangga. Alam ko tumutulo ang laway niya kahit saan siya nandoon hehe. ‘Nay, uubusin namin ang cake mo , ‘wag kang mag-alala. Ayaw mo kasing nagtitira kami sa plato eh. Hehehe :smile: Happy Nanay’s day sa ‘yo, aming ina!

O ‘di ba? Sobrang cute niya! Kung sino man ang nag-imbento nito, mabibgyan ko ng isang sakong butong-pakwan hehe. Hala, mag-invest na sa gadget na ito. Goodbye namumuting labi (dahil sa asin ). Hindi lang ‘yon, maliligtas pa ang mga ipen ‘nyo sa pagkabiyak.

Batang Palaboy sent me this pic. ‘Yan ang love ko dito kay Mike eh, ang kulet makahanap ng mga kakaibang thingamajigs. Natuwa ako dito talaga.

Mukhang bagong ninja weapon ito o kaya twin boomerang. I tried to guess it at first, Mike, as in hindi ako nag-scroll down sa email mo. Nagmukha lang akong tanga nyahahaha :lol: Jeez, guys, mahihirapan din kayong hulaan ito. Not in a million years, I tell you.

Clue: Maliit lang siya. Kasya siya sa palad mo. And Mike found this gadget sa Eng Bee Tin store, Ongpin. Try ‘nyong hulaan kung ano ito. Ako hindi nagtagumpay eh hehe :wink:

Some of you already know na meron akong tongue ring. Therefore may butas ang dila ko kahit dapat eh wala. Madalas, kapag nililinis ko ang mga tongue rings ko, which is not a fun chore, by the way, bigla kong tatanungin ang sarili ko. Jeez, what was I thinking? Noong pinabutasan ko ang dila ko, I mean.

Naisipan kong pakialaman ang walang kamalay-malay kong speech organ about two years ago. Now, I realized I wasn’t thinking at all hehe. Anyway, no biggie. if I don’t wear any ring on it, magsasarang kusa ang butas ng dila ko after several days. Hindi ko siya kailangang ipatahi or anything like that. ‘Yun ang sinigurado ko bago ko pinabutasan ang aking one and only tongue.

May bagong usong pagbubutas-butas ng mukha at katawan ngayon sa mga kabataan. Hindi lang “what were they thinking?” ang tanong na pumasok sa isip ko.

1. Ito ba ay isang form of protest against God’s lousy design of the human body?

2. Meron bang contest na paramihan at palakihan ng butas sa katawan at ang premyo eh one gazillion dollars?

3. Bumabalik ba ang modern civilization sa primitive tribal practices of beautifying the body? Kailan in-announce ito? Bakit hindi ko alam?

4. “In” ba ngayon ang deformities? If so, why not go the whole nine yards? Bakit hindi na lang nila ipauka nang tuluyan ang mga ilong nila, tuklapin ang mga tenga nila sabay tagain ang mga daliri, o mga paa at kamay nila?

5. Kulang ba sa challenge ang buhay ng mga batang ito? Wala ba silang magawa? Bakit hindi nila subukang tumira sa Smoky Mountain o sa Payatas para makita nila ang hinahanap nila.

Eto ang mga pics at mas marami pang katanungang sumulpot sa utak ko.

Very convenient nga naman. Kapag nauhaw ka dudukutin mo na lang sa butas ng tenga mo ang inumin mo Ano kayang ang nasa kanang tenga niya? Pepsi?

iisang tao ‘to, right? ganoon pala ang itsura ng ilong niya kapag walang nakatapal nyahahaha shet daig pa ang ilong ng baboy.  Dami niyang hanging nasisinghot hehe

I think he’s gay. Imbes na tie, gusto niya permanent ribbon sa leeg niya o kaya sintas ng sapatos.

At ito naman type niya lagi siyang nakabusangot a.k.a. permanent pouting lips hahaha LOL

Klingon ang tatay niya kaya lang itinakwil siya dahil anak-araw siya

Laging nawawalan ‘to ng susi at nail cutter kaya ikinabit na sa katawan niya

eto ang magandang mobile na isabit sa playpen ng mga anak nyo :lol:

Well, at least these guys got what they wanted, to stand out from the rest. Malaki pa kasi sa mga butas ng ilong nila ang insecurities nila. Shees, hindi ko na gagamitin ang tongue ring ko, grabeh!