Amazing saging!
Bukod sa masarap kainin pagkatapos magpakabusog sa adobo’t kanin, marami pang pakinabang ang saging.
Instant energy boost – Meron itong tatlong klaseng sugars - fructose, sucrose at glucose na pampadagdag-lakas. Imbes na bumili kayo ng Gatorade, kumain na lang kayo ng saging, masarap pa. Dalawang saging lang, puwede na sa isa’t kalahating oras na work out. Kakaiba.
Gamot sa kung ano-ano
Depression – kalungkutan o pag-iinarte. Bubuti ang pakiramdam ng mga nag –iinarte kapag kumain ng saging. Hindi na sila mag-iinarte hehehe. May protina (tryptophan), ang prutas na ito na nagiging serotonin na parang droga. Nakaka-relaks at lagi kayong masaya. In other words, may tama kayo hehehe.
PMS –Guys, kapag may PMS si wisheart ‘nyo, bumili ng isang buwig na saging , balatan isa-isa at isubo kay mahal. Marami kasi itong vitamin B6 na nagco-control ng blood glucose levels na nakaka-apekto ng mood nila. Kaya lang baka naman mag-LBM siya sa dami ng saging, lalo ka nang nalintikan hehehe.
Anemia – mataas ang iron content ng saging. You know…iron, blood, hemoglobin, anemia, the works.
Blood Pressure – Mataas ang potassium content pero mababa sa salt, perfect para sa mga hypertensive. Mababawasan ang risk ng stroke.
Brain power – Ayon sa mga research, dahil sandamakmak ang potassium sa saging, eating the fruit helps students stay alert. Teka, ‘yan pala kailangan ko eh….saging.
Constipation – eto na naman tayo sa hindi makadumi, marami bang may problema nito? Anyway, mataas ang fiber content ng prutas na ito kaya palagay ko kung sasabayan ‘nyo siya ng okra, hindi na kayo maiiyak sa banyo tuwing umaga hahaha.
Hangover – napasobra ang inom kagabi? Banana milkshake with honey lang ang katapat niyan! Banana para hindi kayo masuka, milk to rehydrate your system at honey to build sugar level. Kung wala kayong blender, mag-kape na lang kayo hehehe.
Heartburn – nagdudulot ng natural antacid effect sa bituka ang saging kaya meron siyang soothing epek sa mga nangangasim na tiyan. Hmmm….puwede rin kaya ito sa mga heartbreaks?
Ulcers – bananas neutralize over-acidity and reduce irritation by coating the stomach lining. Grabe, ang dami namang benefits ng saging…parang advertisement na.
Stress – “Potassium is a vital mineral, which helps normalize the heartbeat, sends oxygen to the brain and regulates your body’s water balance. When we are stressed, our metabolic rate rises, thereby reducing our potassium levels. These can be rebalanced with the help of a high-potassium banana snack.” Okey, kapag nag-away kayo ni mahal at na-stress ka, magsubo bigla ng saging! Mwahahaha! Tsk…weird.
Quitting smoking – pati ito, ha. Marami kasi siyang vit B6 at B12, the minerals potassium at magnesium kaya nakakabawas sa effects ng nicotine withdrawal. Imbes na sigarilyo ang laging nakasaksak sa bibig ‘nyo, saging na lang, noh! Ooops, parang may bahid ‘yon ah. Didn’t come out right.
At marami pang iba
Kagat ng lamok – hehehe hindi ko mapigil tumawa. Akala ko kasi, pag kinagat ka ng lamok, imbes na kamutin mo, eh kumain ka na lang ng saging nyahahaha! Hindi naman pala. Ikuskos lang daw ang balat sa kagat ng lamok, ‘yung loob ng balat hindi ‘yung labas, ha. Nakakatanggal ng pamamaga. Amazing!
Food cravings – magbaon ng saging sa opisina, girlfriends! Kapag stressful ang work, ang tendency natin, eh maghagilap ng pagkain. Sweets - cakes, cookies, pastries - ang madalas na panlaban sa kabuwisitan. Blueberry cheese cake, silvanas, food for the gods….teka lang, ipagpapalit ko ang mga ito sa saging??? You must be kidding me!
Kulugo – Hahaha! Hindi ko na talaga napigil ang tawa hehe. Anyway, gumupit ng kapirasong balat ng saging, itapal sa wart o kulugo (yung loob ng balat ha) at lagyan tape.
Shoe polish – O, ‘di ba? Talagang versatile ang prutas na ito! Ikuskos na naman ang balat (inside of skin) sa sapatos at punasan ng tuyong basahan. Voila! O loko, inagawan pa ng business ang mga shoeshine stands hehehe.
Anyways, napag-alaman na saging pala ang dahilan kung bakit masasaya ang mga unggoy hahaha!
* galing po ito sa email, nag-translate lang ang byuti ko at sinamahan pa ng kalokohan.




bwahahahahahahahahaha..
Nun highschool ako, pagpumupunta ako sa bahay ng kaibigan ko, pag naubos ang saging nila, ako na ang suspect… hehehehe
Blueberry cheese cake ovef saging… ??? really?? i love blueberry cheese cake, ayan tuloy nagccrave na ako.
Di ba cure din yan sa pimples/acne?
Hi Ella,
I came here from basangpanaginip and I agree with you that bananas are good source of electrolytes. In fact, after running a marathon (here in Singapore) they distribute bananas for the finishers to replenish lost electrolytes from their bodies.
He,he,he, kaya pala walang pimples ang mga unggoy, mahilig kasi sa saging……..
A piling of saging a day, keeps the doctor away………..if symptoms persists,…..insult your doctor.
Uy Razzy,
Tagal na kitang di nakaka-chikahan ah. You know what I do with saging (the lakatan variety)? I slice them up, cover the fruit with condensed milk, add a little whipped cream and then I sprinkle my concoction with chopped peanuts. Hmmmm…saraaaap!
Sana may tindang saging sa kanto namin. Nagutom na naman ako.
Ei Art,
Ngayon ko lang narinig ‘yon pero how do you do it? Kuskos ang balat sa mukha or the fruit ang ikukuskos? Teka, baka naman kakainin lang yung saging heheheh
Hi Robbie,
Welcome to my blog, old blogger new house hehe.
Really? Know what? I think our oldies knew about that electrolyte thingy kasi kapag nag-lbm ang mga bata noong araw, they make them eat mashed bananas. We lose these electrolytes fast when we’re dehydrated.
How’s Singapore this time of the year?
Uuuuy, Ariel, patawa ka ha! Di bale, nabili ko naman eh hehehe.
Naku ha, nagpatawa ka ulit, Ariel. Sige na nga, natawa ako ulit hahahaha!
hello ella dear,
Di ako unggoy pero yan ay paborito ko din ….ang saging bow!!!
hahaha! astig ka talaga ella. wala lang. muntik na tumulo laway ko sa kaka ahhhh infos about saging. hehehe. kelangan ko palang kumaen na ng saging bukas. para nde na ako magkaroon ng pimples! hihi
what kind of saging nman ang pwedeng cure s kulugo? any kind of banana b? seryoso po i2.. ung best friend ko kc kwawa nman. she’s pretty but unfortun8ly meron xang wart s kulugo.. plz.. i just wnted to help her.. thaanx..
what kind of saging nman ang pwedeng cure s kulugo? any kind of banana b? seryoso po i2.. ung best friend ko kc kwawa nman. she’s pretty but unfortun8ly meron xang wart s nuo.. plz.. i just wnted to help her.. thaanx..
Joy,
lahat ng info dito ay tungkol sa cavendish banana. Ang tagalog yata noon ay lakatan. Ipa-try mo sa kanya yung balat ng lakatan but please ask her to see a dermatologist asap. Sandali lang tanggalin ang mga kulugong yan, sa totoo lang.
Nung naglalaro ako ng volleyball sa varsity lagi kami inaadvise ng coach na kumain ng saging…akala namin kasi mukhang unggot ang buong team,yun pala para di daw kami madaling mapagod…well…tama pala c sir gorilla….Ella nagiging educational na ang pagtambay ko sa site mo!! ^_^
wahahahahaha!!! aus pala noh?galing makabili nga ng saging!!!