header image
 

……the day the music died

Hahaha siguro akala ‘nyo love story na naman ‘to, no? Naku ha, baka masuka na ang byuti ko, pliiis! One weekend of sappiness (ika nga ni kaibigang techguy) eh abuso na yata. Hindi bagay sa pagkatao ko, no! Ilagay na lang po natin sa kategoryang “nice meeting you, lab”, tapos, iligpit na natin sa baul. Huwag kalimutan ang naptalina, ha.

Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa, you guessed it right, paglalaho ng musika….…..at ng elektrik pan….at ng HBO……at ng pridyider…at ng ilaw! Shet, man, naputulan kami ng kuryente!  At itinyempo pang weekend ng mga hitad! Wise din ang Meralco, eh. Para madala ka nga naman, wala kang kuryente dalawang gabi at buong araw ng Sunday.

Hindi naman po sa may balak akong manuba (palusot pa), tao lang po ang byuti ko, nakakalimot din. Eh kaso ang daming beses nakalimot hahaha. Namumula na yung bill, (fyi kapag disconnection notice, usually eh pula ang envelope) hindi ko pa pinansin, Palibhasa kasalukuyan pa akong nag-iinarte noon, hindi ko tuloy naharap ang utang ko. Dapat pala kumain ako ng saging tsk.

Wala ka pa namang kalaban-laban sa mga mamang namumutol ng kuryente. Kahi’t bigyan mo ng isang milyon, ang sasabihin lang sa iyo, “Sa opisina na lang po kayo makipag-usap, ma’am.” Shet, feeling criminal ako!  Kapareho ng tunog ng, “Sa presinto na lang kayo magpaliwanag, ma’am.” hehe. Sabado ngayon oy, wala kayong opisina, baliw na mama!

Nakikinig pa naman ako noon ng music para kumpleto ang lungkot mood (The Last Time by Eric Benet hehehe), sabay biglang may kumatok. “Ma’am, Meralco po, may disconnection notice po kayo. Noong nakaraang linggo pa. Puputulin na po namin.” Huh? What? Excuse me? Noooooooo!  Hehe, o loko, panay kasi ang inarte ko eh .

Kaya ayun…that’s how the music died that day in my life….pinutol ng Meralco hehe

P.S. Puwede ba sa akin ‘yon? May iPod Nano kaya ako, no! Sa wakas, napakinabangan din siya, bwahahaha!

P.S. ulit Pero dapat yata isinanla ko na lang ‘yung iPod para naibayad sa kuryente tsk ts

~ by ella on August 28, 2006.

15 Responses to “……the day the music died”

  1. Ella dear,

    hehehehe..senti mode pa naman complete wid background music ni eric benet entitled “the Last Time” ….wow hanggang ipod kasama mo sya ha….hehehe kala ko pa naman lumang song na naman e …sana ayus na pakiramdam mo!!! Have a good week dear Ella!!!

  2. basey,

    That was a joke, dear. Gulat naman ako sa iyo, napansin mo pa ‘yon. I am really not into modern love songs, mahilig ako sa luma remember? I find them “sappier” hahaha! Puro oldies but goodies ang laman ng iPod ko. No E. Benet, thank you.

    And one more thing, there is no “SIYA”, darling. I am single, alone, happy and…… pretty nyahahahaha!

  3. ay, grabe…madadala ka nga. ang saklap, buong weekend na walang kuryente! so, naibalik na, right?

    have a great week ahead, Ella! :) take care and God bless!

  4. naku, pede namang makiusap pag first time na nagpunta ang meralco.. hehehe. pero pag third time na, kabog ang mangyayari sayo…

    hirap mawalan ng kuryente..mainit, nakakainip pa…

  5. Hehehe! Akala ko maluluha na naman ako sa bagong entry, naghanda pa naman ako ng panyo!(joke lang po!) Malupit pala mga taga Meralco,inunsiyami ang senti mode mo! Masaya ako kasi masaya ka na ulit. Uy pakopya ng mga oldies but goodies songs mo pag-uwi ko. God Bless!!

  6. OMG! naputulan kayo? alam mo your brave at na kwe kwento mo yang mga pangyayaring yan sa buhay mo. yung ganyan feeling ko ayaw ko malaman ng madla. nakakahiya pero you make me feel “ok” na i post ang mga ganyan sa buhay.

    at maswerte ka pa rin meron ka pang iPOD to entertain you!

  7. ang hirap ng walang kuryente, pag madilim na ang bahay parang madilim rin ang buhay…hehehe…pero di kita masisisi kasi gaya mo rin ako, hinihintay pa ang deadline bago magbayad kaya madalas nagbabayad ako ng penalty kasi nakakalimutan ko…hehehe…

  8. hi des,

    oo, may kuryente na rin. Napasubo yung laptop ko eh hahaha. God bless, my friend.

  9. Razzy,

    palagay ko nakiusap na yata ako..nakalimutan ko nga , eh. Ano ba yan? Ulyanin na nga yata ang lola mo hehehe

    Oo, nga para kang cave man hahahah

  10. hi Ronald,

    Oo nga eh. Pero alam mo doon ako nagsimulang tumawa ulit eh. I found the situation I was in really funny. Panay ang inarte sabay naputulan ng kuryente nyahahaha! Classic!

    Ok, I have a huge collection of those yummy oldies. Bago ka umuwi, email mo sa akin ang cell# so I can contact you. Ilibre mo ako ng kape sa Starbucks hehehe.

  11. idealpinkrose,

    Sinabi mo, parang hindi ka na makagalaw, ano? Hmmm…nasanay lang siguro tayong masyado. bakit naman noong araw, walang electricity. Ooops, ang dami nga palang anak ng mga tao noon kasi walang magawa sa gabi hahahahaha!

  12. Sige libre kita kape sa starbucks, magdadala na lang ako ensaymada para tipid! hehehe! :)

  13. sometimes ok din mawalan ng kuryente sa bahay, pwede kayong mag candle light dinner for two na may katol sa tabi, hehe, while gazing sa stars, wink ;) wink ;), kaso sa condominium di pwede star gazing, buidling sight seeing lang :D

  14. Ronald,

    Uy ayoko ng ensaymada, mas gusto ko Eng Bee Tin hopia, ube flavor hehehe nag-demand pa, no? O sige, it’s a date. Sama mo wisheart mo, ha?

  15. Ei batang palaboy,

    may terrace sa mga condo, dear. Kahit may kuryente, puwede pa ring mag-star gazing hehe Hindi na kailangan ang katol.

    How sweet naman ng naisip mo, candlelit dinner for two. Oy, baka langgamin na naman tayo niyan, plis!

Leave a Reply