MIRC. Tinanong ko si Kenji, my feel good online buddy, kung ano ito. Would you believe akala ko dati it was one of those tests for cancer? Hehehe Ella ignoramus. Sabi niya, ninuno ng mga chats. Hmmm…interesting.
Chatrooms. Nagbasa ako a couple of times. Medyo na-shock, sandamakmak na pantasya ang nakita ko. Meron kayang totoong tao dito? Feeling ko parang online komiks. Marami pang nagmumura. Na-tarn op agad ang byuti ko.
Shoutbox. Little chatrooms. Apo sa tuhod ng MIRC? Cute. Keeps you in touch with the world…or the other way around?
PM or off line message. The bonus of chatting. Parang mainit na kape sa umaga ang hi at hello ng mga messenger buddies mo na minsan eh may kasama pang <ding> at pa-cute na smilies.
YM or MSN chatting. Now we’re talking…. And I don’t know what to say.
I have been a blogger for almost a year, a non-user of cellphones, a non-texter, and definitely a non-chatter. In other words, cave girl ang dating ng ate ‘nyo nyahahaha! I was introduced to this modern wonder of communication by my blogger friends, Nikki, Pat, Soul Seeker and Karen.
Aba, nawili ang ate ‘nyo. Inaabot na ng madaling-araw sa kadadaldal although I felt a little weird, ha. Minsan nga naghilik na yata ako sa harap ng computer, yung keyboard ang unan ko.
Anyway, back to chatting. May dahilan kung bakit hindi ako masyadong mahilig dito. When I am talking to someone, I want to look at his eyes. His whole face, his body movements. I want to see how a smile will light up his face. Or if that smile will reach his eyes. And I want his laughter to touch my heart. Naks, waxing poetic ang byuti ko mwahahaha! Oy, applicable din ito sa mga babae (as in “her” din)
As opposed to – emoticons! And LOL, and ROFL and Mwahs! Yeah, they’re cute but jeez, so damn cold! I think online chatting defeats the purpose of human interactions. Siguro dahil matinding umandar ang imagination ko at mapaghinala ako hehehe.
Malay ko kung panay lang ang pindot ng emoticons ng ka-chat ko yun pala nanonood ng porn habang para akong tangang emote na emote. O kaya dalang-dala ako sa topic, medyo naluluha pa, ‘yun pala nagkakamot ng yagbols at naghihikab ‘yung kausap ko yaaaak!
O kaya , hala sige daldal ako, pindot naman siya ng emoticon , ‘yun pala naglilinis ng mga kuko sa paa ang hitad! Sheeet, wala kang kalaban-laban sa pagmumukhang tanga!
Hindi lang ‘yon, ang haba na ng sinasabi ko, daig pa ang soliloquy ni Shakespeare, tapos akala ko nag-iisip nang malalim ang ka-chat ko, ‘yun pala naubusan ng internet card waaaah! Puta, ang tagal ko na palang walang kausap! Hehe peace, Jiken. Bumawi ka naman, eh. Had the best laugh in my entire blogging life. Buti na lang may omelet ka hahaha!
And this is the worst part…may message archive ang tarantadong messenger! Sa journalism, before an interview, you must inform the interviewee na on the record ang mga sinasabi niya at puwedeng i-publish. Sa chat, patay ka! May hard copy agad ang mga sinabi mo and can be used against you kahi’t ayaw mo.
Puwedeng panggalingan din ng gulo at tsismis. Example –“Oy, bloggie, sabi ni blogger, pangit ka raw.” “Ha? Sinabi yun ng gagang yon ? Kailan?” “Eto o, copy/paste ko ang usapan namin kanina sa chat. Basahin mo.” Nyahahaha! Kaya , guys, ingat kayo lalo na sa mga confi. Dapat lagi kayong present kasi baka iniihaw na kayo nang wala kayong kamalay-malay hehehe.
On the other hand, chatting is the best way to be with the one you love (na malayo sa iyo) lalo na kung may webcam at headset. Audio-visual ang dating. Kulang na lang eh aktuwal na yakap at halik, libre pa sa overseas call. Just take a cold shower after the long distance lovin’.
P.S. somebody once told me, the brain is the true sex organ. Na-shock epek ang byuti ko but I agreed after chatting with him. Napa-tagal tuloy ang usap hahaha. Salute, d’ Count!


Ella dear,
Meron din pong trivia channel sa MIRC..kaya dun ako tumatambay kasi im not really into chatroom chatting …kaya trivia na lang pero ang hassle e isip ka ng isip ng sagot e ung ibang mga player dun e meron ng kodigo ng lahat ng sagot haaayyy…talo ka na di pa man.. tsk! tsk! tsk! Ang payo ko mag sploofus na lang tayo…ok ba Art ang promote ko??? hehehe. Ingats sis palagi.
Totoo na brain is a sex organ. At hindi lang yan, it is the biggest sex organ for guys. Not for girls though, take Pamela Anderson for example… hehe.
hehehe.laking mirc, ym, aol, etc etc ako.for the past years, ito ung naging means of communication namen ng mga friends ko all over the world, free na, walang hassle pa. ewan ko ba kung anung meron sa mga chatrooms that will make you stay longer and longer and even control your sleeping habits and even your own life. cguro nga me sumpa tong internet. nde kaya?
PS:(Pahabol na Salita)
chat ulet tayo ella! sorry nde na ako nakabalik.antagal ko kase kumaen. hihihi. bawi ako sayu next time pag nagkausap tayo. tinamaan ako dun sa blog mo eh. hihihi *grins*
Hi basey,
That’s where the problem lies. The operative word is “tambay” hehehe. I don’t do tambaying kasi walang time ang byuti kong magtatayo sa mga kanto ng internet hahaha!
I’ll choose books anytime, dear.
Ei Robbie,
Good follow up. Yup, the brain is the biggest sex organ, and not only the biggest, it can be enormous and all-encompassing hahahaha! It can be the biggest turn on, if only you guys know how to use it. And remember it won’t get tired hehehe.
Re: Pamela, I agree *sabay lungkot*
Hahaha nakakatawa ka naman Jep. It’s okey, We’ll chat longer next time.
Palagay ko tama ka, may sumpa nga siguro ang internet or may nakatirang impakto sa loob LOL
ate binabasa ko blog mo,biglang nag brown out nag panic ako… nagtaka ko bakit may ilaw pa puter ko… naka-laptop pala ko… ahahahahahahahah kala ko multo (lumang laptop yung makapal)
habang type ko to, nerbyos ako baka na disconnect ako, di ko ma su submit comment, di ko na sana tuloy, pero naisip ko after, di pala apektado meralco ang isp broadband ko lolz!
kung the brain is the best sex organ, pano na ko? and my eggs? lolz
ay may ilaw na!
Ako rin hindi chatter at di tambay sa YM…hahaha!
Naku sorry about Pamela A. I never meant to disrespect her. Pero wala akong makitang analogy with bigger assets other than her. Idol mo ba sya?
ewan ko lang ha… minsan ang hirap kasing makatagpo ng masaya o ka-vibes mo kausap sa chat… grabe!
dati nung college pa lang ako adik ako dyan dyan sa mga chat chat na yan… pero nanawa na ako ba nag simula pa ulit ng mga…
asl?
ctc?
etc? etc?
hhuwwwwiiii!
kasi kung interested kang makilala ang isang tao, you’ll go the way na makilala sya… and i guess thats what i find very lovable about blogging…
kilalanan ng malupit… bwehe!
hi ulit Robbie,
Naaah, no worries, dear. You didn’t sound disrespectful at all.Kaya lang ako nalungkot kasi wala ako nung meron siya hahahaha!
Pam is okey, kaya lang umiibig siya, eh ‘Yun ang naging waterloo niya. Well, come to think of it, lahat pala ng mga babae hehe.
ella!!!! i love you my friend.
miss na miss na miss na kita.
OY, Nikki my love! Nagkita pala kayo ni Diane. Waaaah! Hindi na naman ako kasali!! Joskohday, kinulong na kasi ang byuti ko, noh!
Oy nakapag-chat na kami ni Di kahapon. Ikaw na lang ang hindeeee! I love you! Mwah ( marami rin ‘yan)