header image
 

Oy, btw, nga pala….ang Palawan adventure ko, labs

Nakalimutan kong banggitin, sumaglit nga pala ako sa Palawan nung isang araw. Sinilip ko kung nandoon pa rin ‘yung mga isda at korales natin hehehe. Sa totoo lang, siguro ang dapat itawag sa  akin, si Ellang makati ang paa, hindi na malaman kung saan maglalakwatsa. 

And blogging while nature tripping?? Unbelievable! It’s amazing what technology allows us to do! ‘Yun nga lang,  dapat may laptop tayo, tsk.  To those who have been to this paradise on earth, aren’t we so lucky? Isang oras na biyahe lang sa eroplano and we can experience God’s creativity at its pristine best!

Left early morning with Ana and a guy friend. Syempre kailangan may bodyguard kami, no. Tipong kidnapin ang mga byuti namin eh hehe. Pagdating namin, tumawag kami ng tricycle sa airport, si Mang Ding siya (close na yata kami).  Grabe kaya, bumiyahe ako sa Palawan nang wala akong ideya kung saan ako titira at kung saan ako pupunta hahaha! I just booked a flight to the island and that’s it. First time ko ito sa Palawan. Bahala na si God. Pero ang babait ng Palawan folks, ha.

Photobucket - Video and Image Hosting

Sa airport

So anyway, I asked Mang Ding to bring us to the Legend Hotel ( pang-turista, btw). Quite expensive, he said, so he brought us instead to this lovely new hotel (4 months pa lang sila) in Puerto Prinsesa, eight kilometers from the town. 

It is owned by a German guy and his Filipina wife. Maliit lang siya pero fantastic ang furniture at amenities.  Four poster beds with lacey beddings! Hehehe feeling prinsesita tuloy ako. May loft bed pa! And the price is very reasonable at P1,600/day (additional 300 per in excess of two people). Muntik ko nang mahalikan si Mang Ding hehehe. 

Photobucket - Video and Image Hosting

Amg aming quaint little hotel

Photobucket - Video and Image Hosting

Jeez, look at this bed! Parang pang-honeymoon no?

Photobucket - Video and Image Hosting

Breakfast al fresco! Ummmm……

Now, why do people visit Palawan, sa palagay ‘nyo?  Island hopping siguro and of course, diving and snorkeling (na mapipilitan ang byuti ko kahit hindi ako marunong lumangoy. Not sa dagat, anyway). So imbes na mag-blog hop, mag-island hop muna kaya tayo? 

Para magtagumpay ang island hopping, kailangang pumunta kami sa Honda Bay at umarkila ng bangkang de motor, sabi ni Mang Ding.  Ang layo, grabe! Parang nagpunta ako sa Quezon City mula Makati nang naka-tricycle hahaha!

Isang libo lang ang arkila namin sa bangka (1pm -5-pm) but if you go through a travel agency, it will cost you P900 per person. Kaya si Mang Ding na lang ang hanapin ‘nyo para makatipid lagi hehehe. Dito rin puwedeng mag-rent ng snorkeling gear for P100. 

Kung type ninyo ang walang kapantay na kagandahan ng hardin sa ilalim ng dagat, magbabayad kayo ng additional P100 para sa gas ng bangka. Kasi you can go to any three islands for P,1000. Extra lang ang Tubbataha Reef (where you can snorkel), kaya extra rin ang bayad. Puwede na rin, ‘di ba? Mga 20 minutes rin ang trip papunta sa reef. 

First stop,Tubbataha Reef -  (declared by the United Nations as a World Heritage site, which means it must be preserved). Hindi ito ino-offer sa madlang public for swimming.
Doon lang sa mahilig talaga sa coral reefs at sa snorkeling. Nagulat ako nung tumigil ang  bangka sa gitna ng dagat. As in sa gitna ng Sulu Sea!!! No island in sight, puro dagat. Tapos sabi ng bangkero, “Talon na!” My gulay!! Is he kidding me???
 

Putsa, halos itulak ako nung mama sa tubig, pero nung makita ko na ang corals, para akong na-shock. IT IS worth drowning for hahaha! Jeez, all shapes and colors swaying as if to one music. Fantastic! I wouldn’t trade them even for 100 Mickey Mice. Abuso sa ganda! 

Photobucket - Video and Image Hosting

Putsa, napunit yata ang bibig ko, shet

Second Stop, Starfish Island. This is a private island with an entrance fee of P40. As its name implies, sandamakmak dapat ang starfish dito. But people keep getting the poor starfish and they take them to the other islands. So wala nang masyadong bituing dagat. It is not even a good place for snorkeling kasi ang dami raw bubog sa sea bed. Tsk tsk na-pollute na ng mga manginginom. 

Pero si Ella po ini, kaya ang nakita ko sa starfish island ay —-photo op,ano pa hahaha! Kodak moments na ‘to!! Ay hindi pala. Konica moments pala hehehe

Photobucket - Video and Image Hosting

Aaaaw! What a view! Oy, hindi yung legs ko no hehe! Yung nasa background.

Photobucket - Video and Image Hosting

Lahi ba ng magaganda? Bwahahaha! Kapaaal! Sa totoo lang, mamahalin kasi ang camera ng suwerteng bodyguard hehehe

O, sige, guys, bukas naman ‘yung iba ha? Itutuloy…..

~ by ella on September 14, 2006.

21 Responses to “Oy, btw, nga pala….ang Palawan adventure ko, labs”

  1. watta sweet smile out there ella!

    sarap talaga ng buhay mo. pa tour tour ka na lang at pa island hopping ka na lang.ilang sako paba ng pera meron ka? hahaha. next time kung kelangan mo ng bodyguard, buzz mo ako sa ym.pede ako kahet free bayad basta kasama ako sa adventures mo ha. nyakokokokoko.

    ngapala, himala talaga kase lumabas ka na den sa camera. at ikaw na talaga ang kinukunan ng camera,hindi ikaw ung kumukuha. haha. improving ah. gusto mo talagang maging VJ someday. parang naniniwala na akong lalabas ka nga pag camera pag VJ na ang usapan. nyakokoko. peace mama ella!!! thanks for all. good day

  2. Nyahahaha Jep, maylab! Camera shy daw kuno ang byuti, ‘yun pala panay din ang pose ano hehehehe

    Oist, mura lang ang adventure kong ‘yan! Tatlo kasi kaming nag-share eh. At saka tricycle ang service namin eh hahaha. Katuwa si mang Ding ha. Maghapon niya kaming sakay, P300 lang singil niya. Simple folks are the best!

  3. Wow!!! Dream ko mag-island hopping with my family and my love din. Next time na pupunta ako ng Palawan, ikaw ang kukulitin ko at tatanungin ng details papunta dun. Haha (para kang travel agency eh no)

    Hmm, mukha ngang marami kang pera ah. Nag-Tate ka na, nag-Palawan ka pa? Golly wow!

  4. Naku, Mel, You really have to experience it. At lalong mas masarap kung kasama mo si love, no. Sige, I’ll give you tips para makatipid. Eksperto ako diyan eh hehehe.

    Uy, Hongkong lang ‘yun, lab. Kung tate yun, wala na kaming ulam ng isang taon wahahaha! Magdidildil na lang kami ng sardinas araw-araw.

  5. nagpakita ka na rin ella…

    waaaahhhh, ingit ako… gustong gusto ko yang mga ganyang adventures..

  6. huwaw! ang ganda ganda nga ng view, at isama pa ang legs mo! nyahahah! naiinggit tlga ako sainyong mga nasa pinas, isang oras na byahe nasa bora o nasa puerto galera… wow! isang araw o malamang isang linggo, mag kuknwari din akong turista sa pinas! hehehe!

  7. huwaw nag palawan sya! buti ka pa pa-tour tour lang eh. sana dumampot ka ng starfish para may souvenir..lol

  8. teka, nakuha mo ba ang contact information ni Mang Ding? kunin ko sa iyo pag-uwi namin. Di pa rin ako nakarating ng Palawan, eh.

    have a great weekend, ella! =) God bless!

  9. Wow! Palawan looks enticing. I’ve never been there yet pero I heard lots of good feedback about the place. Paano ba pumunta diyan? Please tell. I really like to hear these details from someone who went there free and easy kesa sa nag-travel agency.

    You’ve got a nice smile by the way. Jolly person ka ‘no?

  10. Ella,

    waah, na-overlook ko yata ang entry mo. Thought it was in Tate. Anyway, salamat ng marami. Aasahan ko yan. Nandyan ka lang naman dba? :)

  11. sa wakas, nasilayan na din namin ang byuti mo dear ella! daig ang byuti ng palawan?!

  12. Razzy,

    Sarap adventure talaga. Lalo na kapag natuto ka on your own. No silver platter for me, dear. Mas mahirap , mas masarap sa akin hehehe.

    Alam mo, kahi’t ‘yung trip ko sa HK ,ganyan din. Hindi ako nag-travel agency.Kaya lagi kaming naliligaw nung friend ko,eh. Sumakit tuloy paa ko hahaha.

  13. hi there extravagantlee,

    Sa totoo lang, mas nage-enjoy ako sa pasyal sa atin. Ewan ko ba. Lalo na sa mga probinsiya. Ang babait kasi ng mga Pinoy, ang gaganda pa ng mga lugar natin. We are blessed and we just don’t know it.

  14. des,

    Ala namang cellphone yung tao eh hahaha. madali lang yun. Sa airport talaga tambayan nila eh. Ipagtatanong lang siya. Anyway, Hindi naman puwedeng hindi tayo mag-usap bago kayo umuwi, ‘di ba?

  15. Hi Robbie,

    Thanks for the “nice smile” comment. Yup, I love to laugh and smile na rin syempre. Libreng facial ‘yun eh hahaha!

    If you have questions, just email me or better yet buzz mo na lang ako sa YM. Baka alam ko ang sagot, ok?

  16. sarubesan,

    Darleng, hangga’t wala pa akong asawa at saka anak, pipilitin kong malibot ang Pilipinas at ang Asia. Mahirap na, no! Baka di ako bigyan ng pera ng magiging asawa ko hahaha. O kaya maubos sa pang-matrikula ng mga baby hehehe.

  17. Mel,

    Yup, I’ll always be here, lab.

  18. Kat!!!

    Hehehe Lumitaw din sa wakas, no? mas maganda ba kamo sa view? wahahaha Salamat, ha! You made my day, lab mwah!!

  19. Ella, ella ako nga pala ung extravagantlee, nyahahah!! ang gaga ni TK hindi nag log out sa wordpress, kc nag eexperiment ako. ang hirap pala wordpress ne!

  20. Miss ella, meron ba website yung hotel na tinuluyan niyo sa puerto princesa? Nice legs…

  21. hi! :) just want to know the name of the hotel you stayed in when you were in palawan and how to find “Mang Ding”

Leave a Reply