Home Remedies ni Ka Ella albularya
Got this email from a friend. I wanna share it with you kasi the less medicine you take for your every little ache and pain, the better for your health. That’s what I believe at least. Kasi may natural healing naman tayo, eh. Hindi lang natin binibigyan ng pagkakataon. Konting sakit, inom ng pain reliever. Sadly, we have evolved into a pill-popping generation, thanks to those wonderful brainwashing TV ads.
Meron akong kaibigan, kasing-edad ko lang siya, pero puta, parang naglalakad na botika. Imbes na kikay stuff ang laman ng bag niya, hindi kamo at samdamakmak na gamot pala. Kutaku-takot na pildoras, akala mo may taning na ang buhay niya eh.
Nung kinalkal ko minsan, bote-botelyang gamot ang laman, grabe. Kaya pala kasing-bigat ng barbell ‘yung bag eh. May pain reliever (Advil), may gamot sa ubo (Robitussin), May gamot sa dysmennorhea (Midol), may sanitary napkin din syempre, may gamot sa allergy (Claritin), may para sa trangkaso (bioflu). May Off lotion, may cream din para sa kagat ng lamok kung makalusot pa rin ang lamok at marami pang iba. Nagulat ako, meron din siyang Ben Gay. Anak ng tinapa, gamot sa rayuma ‘yon ah!
Ang tingin ko sa mga taong ganito eh adik sa gamot particularly pain relievers. O kaya bading na urong agad ang yagbols sa konting sakit hehehe. Anyway, here are some home remedies na sana bigyan ninyo ng pansin.
Masakit ang ulo?- Uminom ng Gatorade,hindi lang pang-sports, pang-sakit pa ng ulo! hehe. Dalawang baso lang nito, tanggal ang sakit ng ulo ninyo…agad ha! As in immediately! I tried it guys, it works! Yun nga lang mas mahal pa ang Gatorade kesa aspirin hehe.
Masakit na lalamunan?- Uso ngayon ang sore throat at toncillitis. Namalat ako after my Palawan junket and I tried this remedy.1/4 cup suka at 1/4 cup honey,I tablespoon of this mixture six times a day. Buti na lang walang bawang, kung hindi inadobo ang labas ng lalamunan ko hehe.
Pigsa?? -Yuuuck! Kailangan nating pahinugin yan at palabasin ang mata!! Kahit kadiri! Kasi pag di nyo napisa ‘yung mata niya, tutubo ulit ‘yan sa ibang parte ng katawan ‘nyo eeeew! Meron tayong “kuyo”, I know, (yung itim na nakadikit sa bilog na papel), pero ang bantot kaya nun. Kaya, eto, try nyo ang tomato paste. Kulapulan ang pigsa. The acid from the tomatoes will soothe the pain and bring the boil to a head.
Salubsob? -mautak ang nakaisip nito hehehe. Sa totoo lang, peste ‘yang mga salubsob (splinters), ang sakit kaya, no! Eto ang trick para di na kayo gumamit ng tiyane. Buhusan ng Elmer’s glue-all ang salusob, tapos patuyuin. Tuklapin ang natuyong glue mula sa balat. Kapag hindi sumama ‘yung splinter sa glue, wala na kayong pag-asa hehehe.
Napaso? -noon ko pa alam ‘to, eh. Mahilig kasi akong maglaro ng apoy nung maliit ako (bata pa taksil na hehehe) kaya lagi akong napapaso. Colgate toothpaste ang ipinapahid ni Tatay sa mga paso ko. Paano kaya niya nalaman ‘yon?
Patay na kuko? -‘yung masagwang kuko ninyo sa paa, na kulang na lang eh ilibing ‘nyo na, may sakit ‘yan oy! May fungus ‘yan! May pills na iniinom para patayin ang fungus, pero I find it weird. Ang layo pa ng pupuntahan nung gamot eh. Bibiyahe pa sa toenails, kakaiba. Anyway, ibabad ang mga dedbol na kuko sa Listerine mouthwash kesa uminom ng gamot. Its powerful antiseptic kills the annoying fungus and leaves your toenails looking healthy again.
Urinary tract infection? -Uy, pag nakaramdam kayo ng ganitong impeksyon, uminom agad ng Alka-Seltzer. Tunawin ang dalawang tabletas sa isang basong tubig at inumin. Mawawala agad ang impeksyon, pramis. ‘Wag lang ‘yung malala na, ha.
Skin blemishes? -hindi ko alam kung kasama rito ang taghiyawat pero why not try it? Lagyan ng konting honey ang skin blemish at takpan ng band-aid. It works overnight daw, sabi. Hindi ko pa na-try kasi wala naman akong skin blemish eh bwahahaha! Tsk ang kapal na naman po.
Mga pasa? -basain ng sukang puti ang kapirasong bulak at ibabad sa pasa ng isang oras. Mabilis na mawawala ang kulay blue ng pasa. Hehehe mabilis ngang gumaling ang pasa mo, amoy suka ka naman, no?
At kung ano-ano pa
Kalawang -Palagay ko marami na ring nakakaalam nito. Buhusan ng Coke (yup, as in Coca Cola?) ang abrasive sponge at ikuskos sa kalawang. The phosphoric acid in the soda gets the job done.
Amoy nabasang aso? -Actually, ang ibig kong sabihin, nabasa nga ng ulan ang aso ‘nyo. Isa sa pinakamabahong amoy na naamoy ko hehehe. Punasan agad ng bounce or any dryer sheet si doggie . Walang ganyan dito sa atin but I found some in Subic Duty Free (Puregold).
Pulgas?-kung may aso kayo, hindi maiiwasan ito. Patakan ang pampaligo ni doggie ng Dawn diswashing liquidat shampoohin ang aso. Banlawang maigi. Goodbye fleas!
Rayuma? -Para sa mga lolo at lola na diyan. Mix 2 cups of Quaker oats and 1 cup of water in a bowl and warm in the microwave for 1 minute. Palamigin nang konti at ipahid sa mga nirarayumang kamay.



Wow, i think your post would be helpful to me. Ok lang ba na hingi ako ng copy nito? Serious.
Interesting din yun remedy sa patay na kuko although d ako madalas nagkakaroon ng ganun. Kaya lang mahal ang Listerine eh. Nyahaha
aba, all around talaga tong si ella.kagulat gulat. biruin mong walking medicine book den pala ang beauty neto. aba. pinapaibig mo ako sa munti mong kakayahan ella dear. hahaha :p
btw, ang helpful talaga ng post mo. pede ka na den maging google at the same time.hihi. thanks for the infos ella dear! good afternun.
PS (Pahabol na Salita)
nagenjoy ka ba sa lakad mo? hihi. nag alala kase ako kase anlakas ng ulan. ingat ka lage ella dear! kuha ka na den pala ng gamot para sa sakit ng tyan dahel sa kakatawa! hahaha
Ngayon ko lang yata narinig yung headache = gatorade solution, I’ll try that sometime. Caffeine is usually given to those with migraine. Cranberry juice naman is good for UTI. Ganun na rin ang buko juice. Akala ko pag hindi umubra yun Elmer’s glue eh palitan ng Mighty Bond Super Glue… hehehe. Baka hindi lang yung salubsob mo ang matanggal kung sakali.
Hi, Ella! Kumusta ka na?
Nwei…right before ako nagpunta dito, i was reading this article at MSN.com…magkapareho pala tayo ng iniisip. hehe
so, here it is. read on, dear blogmates…
http://health.msn.com/womenshealth/articlepage.aspx?cp-documentid=100142232>1=8506
Yeah, sure, Mel. Akala ko din nagkakandamatay lang ang mga kuko sa paa, ‘yun pala fungus yon hehehe. Oo nga, mahal ang listerine. Tapos imbes na sa bibig gagamitin, sa paa pa no?
Ei Jep,
Bakit naman munti lang kakayahan ko? Di bale, sabi mo napaibig naman kita eh mwahahaha.
Salamat sa pag-aalala, dear. Tumigil naman ang ulan when we were having dinner at Leslie’s but it was really cold. 4 am na kami nakabalik dito eh.
Hi Robbie,
Actually first time ko ring narinig yang Gatorade for headaches. Nakakaintriga ano? And the mouthwash is for its anti-bacterial effect. Hindi ko lang alam kung may antiseptic property rin ang cranberry at buco juice.
Natawa ako sa mighty bond. Shet, laman na ang sasama doon, hindi na salusob, waaaah!
Des, mahal, Ikaw ang kumusta na??? Alam ko kahit di mo sabihin, ang ngiti mo abot-tenga hehehe.
Thanks for the link. binasa ko rin, eh. Ang daming helpful tips, no?
Naku nman Ella isa ka ngang Albularyo! nyahahha! Ako laging tinatagyawat ewan koba jan, so honey pala ang solusyon ma try nga yan! salamat! Pati pala sa patay na kuko meron din! heheh! ang galing galing tlga!
hi ella sweet! pag may acute attraction sa beauty mo may home remedy ka ba ma suggest? pwede magpa konsulta?
hi TK,
Sabi nila, love, kapag tinataghiyawat pa raw eh either bata pa ang puso, batang-isip o may matinding iniibig. Doon ako sa huli hehehe
Mike dear,
Bakit ka magpapakonsulta? Di ba matagal na kitang binigyan ng reseta diyan? May libreng gamot pa hehehe Hindi mo naman yata ininom eh.
ella sweet! di ko na ininom reseta mo kasi it feels good having that ailment, i got the hang of it na
sometimes headache is caused by dehydration. drink gatorade to cure electrolyte imbalance. hehehe