Kimchi, anyone?
Hmm…gusto kong kumain. Gusto kong kumain sa labas. Hindi sa may labas ng pintuan namin. Sa malayong labas hehehe. Medyo nagsawa na ako sa seafood, kahi’t sobrang favorite ko ang hipon at fish. At crabs. At tahong. At oysters pa pala.
Ano kaya ang gusto kong kainin ngayon? How about Korean? I like Korean cuisine. Lalo na yung maka-tulo sipong kimchi nila. Oo nga, I saw a new Korean restaurant sa may Malugay street, sa tapat ng Zuellig. Medyo fine dining ang dating niya.
Owned by a Korean businessman who also happens to own the adjacent Korean fast food restaurant and also the driving range next to it. Hmm…mukhang nakakahalata ako. Matapos magpayaman ng mga Chinese at kung sino-sino pang ibang lahi sa bansa natin, Koreans naman ngayon? Interesting, no?
Back to my craving for maanghang. Malapit lang ito sa bahay namin kaya nag-taxi na lang kami nina Tatay at Anna. Ang target ko eh ‘yung Korean fastfood pero pagdating namin doon sarado na. Kinabahan ang byuti ko. Fine dining restaurant ang nasa harap ko. Mukhang magagasgas nang husto ang ATM ko rito.
Ang lakas ng “good evening, ma’am” ng receptionist at security guard. Nakakagulat. Para bang napakasama mong tao kapag hindi ka rin mag-”good evening” at humakbang papasok sa restawran nila. Lalo na nung nasa loob na kami. Nag-”good evening” sabay-sabay ang sampung servers , may kasama pang kapirasong “bow”. Parang presidente ng Korea ‘yung pumasok at kakain sa restawran nila.

(Ang loob ng Ara Korean Restaurant)
True to Korean culture, minimalist ang decor sa loob ng kainan. “Good evening” ulit ang server sabay abot sa amin ng menu. Bilib ako sa service, hindi pa kami masyadong nakakaupo, biglang nagkaroon agad ng tasa ng hot tea sa harap ko at mainit na bimpo.

Ako naman eh nakatitig nang walang kurap sa menu. Parang may sumpa ang presyo ng mga Korean ulam, ah. Napansin kong nagkakagulo ang mga server sa mesa namin. Pagtingin ko, aba, parang magic na biglang may sumulpot na maraming appetizers sa gitna ng mesa at may pumpkin soup pa bawa’t isa.
(clockwise) Korean quikiam, patatas at carrot na may maasim na dressing, spinach with sesame oil, kimchi, maliliit na lumpia, tokwa thingy, maasim na shredded labanos at yung nasa gitna, cold labanos soup
Hindi na masama. Sa appetizers pa lang eh busog ka na. Syempre, tricky ako, pinaubos ko sa kanila ang appetizers para hindi sila masyadong gutom hehehe. Pero tumulo na naman ang sipon ko sa kimchi. Puwede ring gimchi o kimchee ang tawag dito.
This is a dish of fermented chili peppers and vegetables at ang base niya ay Chinese cabbage o pechay Baguio. May kabahuan ang Korean dish na ito but I really love it. Kung baga sa Pinoy cuisine, ito ang atsara nila.
Kimchi
Ang galing talaga ng service dito (mahal kasi, eh hehehe). Andiyan na agad ang mga inorder kong pagkain (P300- P450 ang isang ulam). Bibimbap ang kay Tatay, vegetable and beef rice topping ito. Sosi, hehehe, hinalo pa ng server para sa kanya. Pero kakaibang pangalan- bibimbap…hmmm… parang dance step noong 50s ah.
Bibimbap

Bulgogi for Ana. one inch strips, 2-3 inches long of very thinly sliced beef with sugar, soy sauce, sesame seed oil and sesame seeds as ingredients for the basic bulgogi sauce. It tastes almost like barbecue sauce.
Bakit kaya mukhang champorado sa pic itong bulgogi? hehehe
I had to have my favorite Korean noodle, japchae, of course. Thick clear vermicelli noodles cooked with beef, vegetables and sometimes with mushrooms.
Japchae (kakapiraso, para sa akin lang hehehe)
At pang-asar sa kanilang dalawa dahil ako lang ang mataas ang tolerance sa maanghang, spicy squid hahaha! Grabe, parang umaapoy na ang bibig ko.
Matapos ang makasunog-dilang mga pagkain, libreng dessert, compliments of the house. Fresh pineapple and cold ginger tea with cinnamon.
Next, the humongous bill hehehe. Naaaah it’s fine. Bicolana ‘to, guys. I’m willing to pay for my “sili” fix hahahaha!
P.S. Palagay ko maganda sa health ang Korean food. Wala pa akong nakikitang matabang Korean, eh. They’re all slim. Kayo meron nang nakitang obese na Korean? It’s the kimchi, I tell you!










Mukhang mas mura na kesa seafoods ang trip mo ah? Sana pag nagkita tayo kung sakali man, goto na ang gusto mong kainin para mas mura! Nyahaha! Ililibre agad kita sa gotohan ng dalawang mangkok na goto, with matching tokwa’t baboy.
Hehehe!
uy balik food blog na! i’ve only had korean like once or twice… not really crazy for kimchi and the chili… really strange since both my parents were bicolanos and i grew up on the stuff but i never really liked spicy stuff. but the vermicelli noodles looked really yummy… was it spicy as well?
syempre pa uragan si ellah! hehehe spicy squid…sarap!
miss ko na bicol express.. hindi yung de lata, ha?! haha
Tumutulo sipon ko habang binabasa ko blog mo! Ano ba yan??!!
ARIEL
The location of this Resto sounds like the compound of Concepcion Industries. Is this beside Sime Darby (by the corner)? I used to work in the general area for ten years…Glad to read that you’re also fond of Korean cuisine.
ginugutom mo na naman ako ella dear!! kakainis ka. hmpf!
hehehehehe
I’ve never been to a korean resto nor eaten any korean food, hesitant kasi baka pangit ang lasa. But after reading this entry, I might try it someday especially that spicy squid. oishoso!
hei…how are you? greetings from egypt. nice to meet you.
ate ella kamag-anak!
ang sinasabi mo ay ang korean resto sa loob ng makati golf club…ya, it’s a golf range operated by koreans…may spa rin doon sa main building…i used to go there on a regular basis before…no more recently
binusog mo nga si tatay mo, pinakain mo ba naman ng bibimbap…sabagay mabigat din ang noodles…that’s what’s great about korean restos…appetizers pa lang busog ka na
hehe…gutom na rin ako
Ronald dear,
Uy type ko rin ang goto, lalo na pag may side dish na tokwa’t baboy. Ilista mo lahat ng kakainin natin, bilis! Food trip eh, no?
Oist, hindi siya mura hahaha! Mas mahal siya actually. ‘Yung kapirasong japchae nila mas mahal pa sa isang kilong sugpo. Teka lang, ako yata ang nagpasweldo sa crew doon ah, hmmm.
Hi mxrr,my foodie buddy,
Miss kita kaya naglagay ako ng food post nyahahaha! Sabi ko siguradong magco-comment ka.
Masarap ang japchae. Hindi ako mahilig sa pansit eh (meaning hindi ako kumakain hehe). But exception 2 kinds, beef hofan and japchae. Nope, di siya maanghang.
sarubesan darling,
Igwa akong kinakanan ning Bicol express, duman sa may Tien de sitas (di ko alam ang spelling hehe). Putsa, nini, umusok baga a talinga ko! Kadakol ka sili, mayo na bagang baboy. Naalala ko ang Bicolano blogfriends ko hahaha!
Ariel maylab,
Imagine mo , pinapak ko yung kimchi, naubos ang napkin nila sa kakapunas ko ng sipon wahahaha Magtataka ka wala naman akong sipon noon hehe
Royce dear,
Waaah! di ko alam!! Di bale, itatanong ko kung doon nga ‘yon tapos edit ko ‘tong comment hehe.
Yup, I love Asian cuisine. I’m into Malaysian and Thai food din. I’m a foodie, remember? Pag may bagong Asian restaurant, case ko agad. Takaw eh.
Jep, love,
Ikaw eh. Hindi mo ako invite sa mga food trips. Ikaw ang susuko sa akin nyahahaha. Hmmm…kaya wala siguro akong date? Mauubos pera nila sa pagkain ko hehe
Intruder darling,
Naku ha, it’s fun to be adventurous when it comes to food.’Wag lang ‘yung mga yucky masyado katulad ng utak ng monkey nyahahaha.
Masarap ang Korean food, promise, but I’d prefer Thai if given a choice.
Hello luthphi,
Thanks for visiting my blog. I saw yours and I noticed one thing you wrote in English, “Prince Harry and William are uncircumcised” Hehehe
Prince William has been my secret love since forever. He looks so delicioso! I’d take him anytime, circumcised or not nyahahaha!
hehe mistiquo, (my kuya??)
Ara is very new and they serve authentic Korean food. Kaya ko siya nagustuhan eh. And I noticed mas malaki ang serving nila kesa ibang Korean restos. I wonder now how Tatay was able to finish his bibimbap. The plate was huge.
Ay sus ang Thai food, i mean the authentic thai food my gulay! ang pangit ng lasa may isa silang sahog na hindi ko maintindihan kung saan galing.. ang sagwa. ilang ulit din akong nabiktima ng lasang iyun nung nasa bangkok ako. Pero pag sa mga resto sa pinas masarap naman ang thai food.
Ei intruder,
Natawa ako dun ah. “Nabiktima” ka parang con job hehehe Ano kaya yung lasang sinasabi mo? So far hindi pa ako “nabibiktima” haha
ella, ako may nakita nang Korean na mataba pero 14 years old lang sya. pero alam mo, problema ko sa mga Korean students yung palaging masakit ang tyan, it must be the kimchi kasi yun ang palagi nilang kinakain for lunch. saka napaka-liit lang ng serving ng mga baon nila kaya isa din siguro yon sa mga dahilan.
am in davao at marami koreans dito playing golf. most of them payat. yung nagstay ng medyo matagal dito na lalaki ay malalaki ang tiyan