Comfort zone
What do we do if we are down or tired or alone and worries seem to hound us whatever we do? Where do we go? Most of us retreat and hide sa ating kanya-kanyang comfort zones. Or else tayo ay maloloka. It’s a modern term pero eksakto ang meaning niya….we find comfort in our comfort zones. Iba’t ibang klase ang lugar na ito.
Berni said in my “Hello, this is Ella” page:
“Hello ELLA! I simply love your write ups. Don’t you know that if I have a problema, I simply read some nakakalokah na mga sulat mo! Thank you! Smart maging globe under the sun.
La lang….
God bless”
Comment by Berni — September 21, 2006 @
This is one example. And it touches my heart big time to be considered a comfort zone. Thank you Berni, kahit hindi ko alam kung ano ang koneksyon ko sa smart at globe hehehe
From my email inbox all the way from Iraq:
Galing kay James Jimenez
“Si Allan Magcuro ang nag influence sa amin dito sa Iraq, tuwing may bago kang blog, invite niya kami na basahin ang blog mo kaya nasusundan namin tuwing may post ka na bago.
Ang galing mo sumulat kasi kaya naaalis ang lungkot namin dito, pang-alis ng homesick ang mga blog mo..lungkot dito eh..
regards and thank you sa reply mo.”
From Allan Magcuro
“Hello Ate Ella! Kumusta ka na po? ……. hehe wala lang napasulat lang uli ako para sabihin na nakakaaliw talaga sa amin dito yung mga sinusulat mo. Ang galing mong magsulat, alam mo pa ha binigay ko na link mo sa lahat ng mga kasamahan kung pinoy dito. Sila din eh araw araw na nag aabang kung may bago kang entry, hahaha kakatuwa daw mga sinusulat mo, di nga lang nila naabutan yung isa mong blog,.
Sige hanggang dito na lang, sana makasulat ka pa ng maraming entry!”
Nang matanggap ko ang mga email nila lalong tumibay ang resolve kong magsulat nang magsulat nang magsulat (hehehe parang bateryang energizer ulit). Sila ang inspiration ko….an accomplishment, if I may say so…. ang makabawas ng lungkot ng ating mga bagong bayani sa ibang bansa.
Back to comfort zones. I asked my male friends kung ano ang comfort zone nila. Most of them answered home, family, wife, kids. Isa lang ang sumagot ng alak (alcoholic kasi ang gagong ito eh). Yung isa naman masahihan (known manyak naman ito hehehe).
Kakaiba naman ang sa girlfriends ko. ‘Shop till you drop’ ang comfort zone nila hehehe. Ako? Comfort food!!! Ano pa ba? Kaya tumataba, Ariel maylab, madalas akong malungkot ngayon eh. Palusot pa no? Takaw lang pala hehehe.
Here are my all time favorite comfort foods. Palagay ko, kayo rin, lalo na yung mga nasa abroad (nang-inggit pa hehe)
Good old honest to goodness sinigang na baboy. Yung saksakan ng asim hehe
Sabay sasamahan mo ng inihaw na tilapya ang sinigang? Langit!!!
O kaya relyenong bangus? hehehe
Nampucha, hindi lang ito comfort food para sa akin, “save my life” food na ‘to! nyahahaha
Ah, kahit bangkay na , tatayo pa rin ako para sa sinigang na hipon
May ganitong klaseng crabs kaya sa heaven? Alam ko sa Amerika wala hehehe
Gosh, all time high, baked tahong smothered with cheese yuuummy! The best baked tahong I’ve tasted? Leslie’s in Tagaytay. Sobrang creamy, promise.
Eto pa, pangit ang itsura, pero hoy, adobong pusit ‘yan!
(wawa naman kayo diyan , Allan M.)
Para naman sa may allergy sa seafoods, carnivorous ang dating natin dito hehe
Kalderetang baka. Sarap pulutan ‘to
Pixelated pork chop, anyone? Nyahahaha!
Umuulan? Pansit molo ang banatan!
O kaya mainit na bulalo, sarap! The best bulalo in town? Rose and Grace sa Batangas and Laguna. Mapapanaginip ‘nyo pa hehehe
Sisig ng Leslie’s sa Tagaytay. The best sisig ever, trust me! Karapat-dapat lang dayuhin.
At higit sa lahat, kare-kare!! At bagoong! Jeez, puwede na akong bitayin
Sabay leche flan pagkatapos kumain. Grabe, comforted na comforted na ako hahaha!
Halata bang bago ko kainin ang aking comfort foods eh pinipiktyuran ko muna? hehe Oy fyi, yung ibang ulam diyan, ang byuti ko ang nagluto, ha. Kapag mahilig kumain, huwag umasa sa iba. Magluto ka, Inday! Mwahahaha!
Kayo, maylabs, ano ang comfort zone ‘nyo?



houston, we have a problem…
ate ella,
parang may problema ang mga comments mo sa othe blog kasi parang iba yung comments na naka attached sa posts…
musta na?…nakakagutom ang mga pictures dito
ang iyong kuya,
benjie
Ei Benjie, darling,
Wala akong magagawa doon, eh. WordPress ang mag-aayos noon. Bago lang kasi ang template na ginamit ko. Baka may glitch pa.
Thanks for telling me. Di ko napansin eh. I hope they can fix it soon. I like that template.
ei ate ella!
kakaingit naman yan puro fave food ko pa yan! lalo na yun sinigang na baboy! dna ko makakain niyan dito! lagi nalang manok pinapakain sa amin! babawi nalang ako sa pag uwi kO! basta!! hehehe
Hey Ella dear, wahahaha takam na takam ako sa mga pagkain na yun ah, kakatapos ko lang kumain pero nang makita ko yung mga picture waaaaaa naglaway na naman ako LOL…tsalap tsalap heheheh
Oh! btw, taga Sto.Tomas Batangas ako *wink*
uyyy i guess we’re back to food posts? hehe i am not one to complain about that… hmmm comfort zones? dami eh… church and my studio or any other place that doesn’t add to the stress one encounters every day.
Ano na naman ba yan? Kung pwede lang kainin yang mga nasa pictures na yan, binanatan ko na sana. Ano ba niluto mo sa mga yan? Baka pwede matikman.
ARIEL
hay… ella, ang sarap naman talagang magstay dito
pagkain naman ngaun? the best topics hehe…
kahit na almost 70% ng sahod eh kay mama, basta ipagluluto nya ako ng tokwa’t baboy sa tausi ok na ako…
Comfort food ko is kare-kare or sinigang (baboy, hipon). Marami akong comfort zone, isa na yung manood ng TV sa living room o di kaya ay magkape sa local coffee shop dito. Magbasa ng book before sleeping gives me comfort too. kwentuhan with friends, at syempre reading your blog. di ba gf of mind? hehehe…
Sarap naman nyan Ms. Ella, naglaway ako bigla sa shrimp. Seafood is my comfort fod. Namiss ko tuloy ang sutukil ng Cebu.
I myself work outside the country, and to where I am now, its hard to find any comfort zones. And for now, I would consider internet as my comfort zone. Ayan nakikibalita sa Pilipinas. And going out with pinoy friends para feeling nasa pinas pa rin. hahayy..nakakamiss talaga!
Allan dear,
Naalala ko ‘yung kwento mong maliliit na pusit hehe. Wawa talaga kayong mga labs ko diyan, ah.
Nellie darling,
Ang lakas talagang magpagutom ng ate Ella mo, no? hehe
Naghahanap ng damay sa pagtaba hehehe
My dear mxrr,
Sarap ng may comfort zone hehehe. Ako boypren sana, pero wala na yatang pag-asa
Kaya ayan sa pagkain na tuloy nabuhos nyahaha 
Ei Ariel maylab,
One of these days hehehe. Matitikman ‘nyo rin ang luto ko.
Yung sinigang na baboy, kalderets, molo soup, hipon (with chili sauce), inihaw na bangus, at higit sa lahat ang makatunaw-galit na leche flan hehehe. Chef ang dating
Gerrycho dear,
Uy gusto ko rin ‘yan! Anything with tausi. Lalo na yung fish? hehehe wala na akong tinanggihan ah.
blackcafe, bf of mine (sinadyang mali yung “e” sa huli hahaha),
Naku ha, pati ba naman sa comfort zone, pareho tayo? Abuso na ‘yan ah hehehe
Intruder, maylab,
Naku, out of the country ka rin? One of my inspirations to write ka rin pala dapat.
Btw, ano ang sutukil?
Su - Sugba –> inihaw
Tu - Tula\Tuwa –> soup based ulam
Kil - Kinilaw
atbp.. basta seafoods yan lahat. If you happen to visit Cebu, punta ka malapit sa Lapu-lapu shrine sa Mactan, then you get to pick the seafoods you want them to cook for you and how you want it cooked. Pag pupunta ka dun pag-aagawan ka ng mga tindera dun.. hehe lalo pat mukha kang mayaman. hehehe. And enjoy the bayside view.
ang una kong binasa yong entry mo na Farmer’s Market..ginutom na ako..pagscroll ko..heto ang nakita ko!..comfort foods! alam mo bang nagpa-palpitate ako at tulo laway ako sa mga pictures ng mga pagkain na ‘yan…hmp….mamaya na ako matutulog at makapunta sa Pinoy store sa kanto..sana may lutong ulam na doon…daya-daya mo…But keep on writing and taking those pictures..naloloka na ako sa kakaisip sa mga pagkain! Grabe! By the way..malamig na ulit dito…although ang weather forecast ngayon ay sunny and 60’s daw…like I will be able to enjoy it..in bed…hilo na ako sa antok..pero..back to food trip…bye! Keep on writing and informing us about the latest digs there. Thank you so much!
Emily
OMG! can’t resist this “mga katakawan ko” section. sana more to come… pwede ba kayong ma imbitahan kumain sa labas pag uwi nmin sa pinas?.. meron bang t.v. show jan na “Iron Chef”?
regards…..