header image
 

Farmer’s market (para sa mga balikbayan blogkadas)

TGIF !! Weekend na….. sa aming mga blessedly single, gimik day yehey! Palusot pa eh, no? Sa totoo lang, loser’s day nyahahaha! Nood ng sine, night clubbing, pasyal sa mall, kain sa Jollibee….nang mag-isa o kaya may kasamang friend na loser din hehehe. 

Sa mga blessedly double hehe, weekends mean laundry days, market days, kuskos-banyo days, linis-bahay days, sulsi-butas-na-medyas days at kung nagkataong sweldo, kain-sa labas days with wishart and the kids.

Naku ha, kahi’t na blessedly singgol ang byuti ko, ako rin ang namamalengke, naglalaba, at kuskos-banyo. Waaah! :cry: Kaya nga gusto ko nang mag-asawa eh, para siya na lang ang weekend slave ko hehehe. Tsk bad Ella :twisted:

Speaking of palengke, dahil nagpapanggap o nangangarap na maging sosyal ang byuti ko, :wink: dumadayo pa ako sa Makati para mamalengke. Sa enclave of the rich and famous at sandamakmak na expats…..sa Salcedo Village.

Shet, kedaming byutipul pips dito! Dami ko nang nakitang artista na muntik na akong magpapirma (baduy ko talaga). Every Saturday, sa gitna ng mga towering condos, ang maganda at malaking park ng village na ito ay biglang nagiging palengke. Farmer’s market ang tawag nila, opkors, sosyal eh hehehe :cool:

Sabagay, dapat ngang tawaging farmer’s market ito dahil sa klase ng mga tinda nila.  Makikita rito ang mga products at specialty foods ng halos lahat ng regions natin, from the northern provinces of the Philippines to the Visayas and Mindanao. Sa totoo lang para ka na ring nag-tripping sa buong Pilipinas.

Eh ang kaso mo, ‘yung mga tindera’t tindero roon, mga mukhang milyonaryo. Mukhang ikaw pa ang babayaran para bumili ng tinda nila nyahahaha! Millionaire farmers’ market? hehe

plants.JPG

 Sa bungad, mga halamang tinitinda

hats.JPG

Sa tabi ng mga plants, mga bayong, tampipi, sombrero from Lucban, Quezon (may tinda rin silang pansit habhab)

bagel.JPG

Sa harap ng mga bayong, bagel, just like those in New York with matching bagel spread 

kakanin.JPG

Lahat ng klaseng kakanin, may lumpia pa from Kalibo, Aklan

kesong-puti.JPG

From Laguna, sariwang gatas ng kalabaw, kesong puti, carabao milk cheese, yogurt, atbp

aligi.JPG

Fresh alimango at hipon flown from Roxas City

bagnet.JPG

From the Ilocos region, bagnet, vigan longanisa, sukang Iloko, bonuan

fish.JPG

Sariwang isda.Hmmm…palagay ko sa Cavite galing ito

fruits.JPG

Prutas? Aah, sigurado ako sa Divisoria galing ‘to hehehe

buhay-na-tilapia.JPG

Buhay na tilapia, lumalangoy sa palanggana, from Batangas

ihaw-tilapya.JPG

Sabay papalamanan ng sibuyas at kamatis at iihawin sa harap mo (P100-P150 ang isa)

bulacan.JPG

Mga lutong Bulacan, grabe, sarap!

tulingan.JPG

Batangas specialty, sinaing na tulingan, suman sa lihiya, sumang malagkit atbp.

suman.JPG

Hindi ko naitanong kung saan gawa ang mga suman na’to. Meron pa akong nakitang suman na may luya eh. May sugar-free suman pa hehe

itlog.JPG

Organic chicken and duck?? Hahaha! Native siguro ang ibig sabihin nito.

organic-veggies.JPG

Ito pa puwede, organic vegetables, from Tagaytay farms

dried-fish.JPG

Lahat ng klase ng isda na puwedeng patuyuin, from the Visayas region

mangoes.JPG

Mangoes from Cebu

langka.JPG

Langka from Bicol

pinya.JPG

Formosa pinya from Bicol din

tofu.JPG

Special tokwa at tofu at meron din silang taho (without the chalk hehe)

francais.JPG

May naligaw na French cuisine hahaha (Pinay kasi ang wife nung mamang French eh)

sausages.JPG

Eto ang mga tinda nila. Natikman ko na ‘yung mahahabang sausages (mas masarap Vigan longanisa, sorry hehe)

Maraming tables and chairs sa isang covered area kaya puwedeng kumain doon. Sample ng menu nila.

menu.JPG 

ulam.JPG

Tokwa’t baboy, laing, torta, inihaw na pusit, ginataang langka, lumpiang shanghai, atbp

fruit-juice.JPG

With matching fresh fruit shake

Hehehe medyo nagmukha akong tanga sa kakakuha ng pics. But I wanted to do it para sa mga  blogkada kong uuwi dito sa atin. Kung kulang ang time ninyo pero gusto ninyong makakain ng authentic Pinoy food, do not miss Salcedo Farmer’s Market every Saturday. The smell of cooking food, the fiesta feeling and the sound of regional accents are enough to make you feel you have come home, at last.

~ by ella on October 30, 2006.

20 Responses to “Farmer’s market (para sa mga balikbayan blogkadas)”

  1. haaaay ate ella, you were asking me before kung nagkita na tayo?…malamang

    malamang jan tayo sa salcedo farmer’s market nagkikita, i used to go there from time to time…hehe…love the foods there

    kaw malamang yung nilingon ko doon kaya lang inirapan ako…

    in case pala, pwede na tayong doon na lang sa mga tables sa gitna kumain…bago ka magbirthday…kaya lang delikado, baka ituro mo lahat, magtake out ka pa…kasi walking distance lang sa bahay mo…tsk tsk tsk delikado talaga

  2. btw, ate ella, the problem with the other blog still exists as i have checked it just now…i hope wordpress will do something about it na

  3. hi ella,
    thanks sa info. idinagdag ko na ang Salcedo sa list ng pupuntahan ko paguwi namin dyan. :)

  4. Kagagaling ko lang galing trabaho from night shift at eto ang nakita ko sa blog mo..waah!! gusto kong kumain..nagtitiyaga lang ako sa doritos (agahan ko)Sayang, hindi mo nai-blog kaagad ito noong umuwi ako..( I was there in Pinas last July-Aug.) Ang sarap ng mga kakanin! Alam mo ba na noong umuwi ako, I practically parked myself in front of the Kakanin stand sa mga malls diyan and ate until I had stomach ache..I did that for couple of days..hindi naman ganun kasarap ang mga luto but ..I ate like I’ve never eaten those kakanin before…ang masaklap..as we were weighing the baggage..I gained 10 lbs! in 3 weeks stay there. Sarap talaga ng pagkaing Pinoy!lalo na ngayon..undas= lots of rice cakes.. And I don’t know if it was through your blog that I got curious and ate at Sonia’s garden in Tagaytay while there. Thanks for the inside tips. Susunod na uwi ko..Palawan ang may I explore…sana…Have a blessed day!
    Emily

  5. Waaaaaaah!!! Gusto ko uling umuwi, waaaah sarap ng mga tinda sa pictures ni Ella. Miss ko talagang-talaga iyong kesong puti at ng gatas kalabaw. Hindi iyong galing sa SM ha. Puros tubig at super nag shrink na ang mga iyon.

    Kesong puti palaman sa Pugon Pan de sal, champion talaga. Para ka ng umakyat sa langit. Hehehe.

    Ella, you did everyone a fantastic favor by featuring this topic. I’m sure everyone would be dying to visit this place once they get there. Sana ako soon ulit. Hehehe

  6. for sure, naglaway ako dun sa mga deli cuts..sugar-free suman? nyak! nag suman ka pa! hehehee ;)

  7. Hi la! musta na? hehehe di na ako makapag-internet masyado kasi medyo busy pa kakapunta sa mga kamag-anak ko! Sana mapuntahan ko yan one of these days, natakam ako dun sa bagnet ng Ilocos!

  8. miss ella,
    a very helpful info indeed. kaya lang hindi ko kabisado ang makati. can you give me some directions on how to get there? thanks!

  9. Mistiquo darleng,

    Ala eh, sinaing na tulingan at bibingka lang ba ang ipapakain mo sa akin? Yoko nga! Sa Alba’s ang gusto ko and I will order one ulam only…callos. That’s it. Mapapaligaya mo na ako hehehehe. See, matipid akong ka-dinner date hehe.

  10. Mistiquo ulit,

    O ayan, pinalitan ko na po ang template. Pero dumaan din si rose sa sandamukal na templates haha. Halata mo na bang salawahan ang byuti ko? hehe

  11. Hi Emily dear,

    Oo nga, hindi ako nasisiyahan sa mga kakanin sa mga malls. Sayang, kung sinabi mo lang na umuwi ka pala, dadalhin talaga kita sa Salcedo park. Ang sarap ng puto bumbong doon. Walang sinabi ang sa Via Mare. Galing Bulacan pa kasi yung aleng nagtitinda eh.

    At saka yung bibingka nila, natutunaw sa bibig, daig ang Ferino’s. Speaking of Via Mare, meron silang luto sa balut, fantastic din.

    Nakalagay ang 2 balut (na binalatan na syempre) sa souffle dish at may crust sa ibabaw na parang pastel. Ang sarap grabe.

    At alam mo ba ang pinakamasarap na crispy pata na natikman ko? Sa Shang Makati. Ang saraaaaap! ‘Yan kasi ang laging request sa akin ng mga balikbayan relatives namin eh, crispy pata.

    Pansit palabok –Razon’s is the best. Saka dapat natikman mo rin ang pansit habhab ng Buddy’s at pichi-pichi ng Amber’s. Naku, nagutom din ako tsk tsk. Madaling araw pa naman hehe.

  12. Ei Royce,

    Basta pag-uwi mo ulit walang indiyanan eh, ipapasyal kita diyan sa Salcedo. Oist paborito ko rin ‘yan, pero mas gusto yung pan de sal-hangin, ‘Yung madaling mapipi. Ginagawa ko, dalawang tinapay sa isang palaman. o, ‘di ba? :grin:

  13. ate ella kamag-anak!

    hindi ba ang rootword ng salawahan…hindi naman “salawal”? [hehe, corny]…
    it’s “dalawa”…

    the way i see it, hindi ka lang salawahan…haha…ikaw na magconclude base sa dami ng pwedeng i-link sa yo

    call ako dyan sa alba na yan! basta i-schedule na lang natin bago ka mag-bday…naaaaaaaks!

  14. vemsan dear,

    hehehe mas kakaiba yata yung nakita kong suman na may luya yaaaaak! Ikaw lab, kailan ang balak mong umuwi? :wink:

  15. Hi Ronald maylab,

    I’m sure enjoy na enjoy ka na. Kumusta si baby? Hindi naman ba nahirapang mag-adjust? At saka how’s your dad nga pala? Ang saya niya siguro dahil nakita niya ang one and only apo niya. Text me kung gusto mo na akong ilibre hehehe :wink:

  16. Myra dear,

    If you are coming from EDSA, kanan ka sa Ayala, kanan ulit Buendia, kanan ulit Malugay. Straight ka lang , makikita mo na ‘yung park kasi malaki yun. Daming puno.

  17. Des dear,

    Text mo ako pag dadating na kayo. I have your number. Text kita doon sa cell mo para makuha mo number ko, ok? :grin:

  18. Mistiquo ulit,

    Multi-tasking?? Nyahahahaha :grin: sige, pm kita kung kailan tayo puwede ok. We’ll talk about my rolling book project ha? You promised to help us di ba?

  19. hi, i hope you don’t mind, i grabbed the 2nd picture here with that stall full of native bags, products, etc. i blogged about tampipis kasi. thank you!

  20. PS i cited your blog as the source for the pictures. thanks again!

Leave a Reply