header image
 

Kung ano-ano

Ang sagwa pala ng walang trabaho. Walang nangyayari sa buhay ko. I mean it literally. Nada…blah…ngek. Wala tuloy akong maikuwento sa inyo hahaha. Noong Linggo, nagpunta ako sa QC para makikain ng birthday handa ng ibang tao. Eh, ito palang Filinvest nasa dulo na ng daigdig  (kapag galing sa Makati). ‘Yung friend kong nagda-drive taga-Cavite naman.

Sabi niya noong tumatakbo kami sa EDSA, abangan ko raw ang Quezon Avenue at doon kami liliko. Eh kaso daldal ako nang daldal, nakalampas hehehe. Aba nagalit ang loka. Sinigawan ako. Kasi pareho naming hindi alam kung nasaang parte na kami ng mundo nyahaha! Nagalit din ako, syempre. Aba, siya itong driver eh.

Ikot kami nang ikot sa circle. Hmp buti na lang may tito akong nakatira sa Tandang Sora. Tinawagan ko and he gave us directions. Nakarating din kami pero nagsabunutan na kami ng kaibigan ko.

Moral of my story: ‘Pag hindi mo alam ang lugar na pupuntahan mo, tumawag sa Tito mo.  At….kung pareho kayong tanga, huwag umasa sa isa’t isa.

Anyway, dahil wala akong maisip na regalo sa birthday ng pinuntahan namin, namitas na lang ako ng sayote sa likod-bahay namin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang bunga ng sayoteng ito. Kinumpetensya ang talong hahahaha! Tingnan ‘nyo ang lokong gulay… hmmm…anong masasabi ‘nyo? Sayote 101? 

sayote-1a.JPG 

Oy hindi ito enhanced, talagang sayote 101 ‘to hehehe

At….galing naman kay Batang Palaboy:

Top 10 Reasons Why There Couldn’t Be a Filipino-American US President according to David Letterman

10. The White House is not big enough for in-laws and extended relatives.  Oist, hindi lang ‘yon. Dadayuhin ka pa ng mga kamag-anak mo para mag-inuman ng beer at gin bulag tuwing weekend! Sa White House lawn…tagay pa (nakalagay sa plastic na pitsel ang beer nyahaha!)

 9. There is not enough parking spaces at the White House for 2 Honda Civics, 2 Toyota Land Cruisers, 3 Toyota Corollas, Mercedes Benz, BMW, and MPV. Ika nga ni Mistiquo sa isang blog ko, bakit ang mga Pinoy sa US ang gagara ng kotse? hehehe Putris, pagkakataon na, no! Ang mura ng down payment pero syempre hindi mawawala ang Japanese cars sa collection. Bakit kaya?

8. Dignitaries generally are intimidated by eating with fingers at State dinners. Oy! Tado kang Mr. Letterman ka ha! Hindi nakakatawa ‘yan! Bakit, tuyo at kamatis ba ang handa sa state dinners? Bwiset!!

7. There is too many dining rooms in the White House - where will they put the Last Supper picture? Nyahahaha! Lagyan ng Last Supper pic lahat ng dining rooms, tange!

 6. The White House walls is not big enough to hold a set of giant wooden spoon and fork. Ilagay sa sala ‘yan, ano ka? Teka, may sala ba ang White House?

5. Secret Service staff won’t respond to “pssst…pssst”. Aba, eh di hoy… hoy! O kaya kuwan, halika dito hehe.

4. Secret Service staff are uncomfortable driving the Presidential car with a Holy Rosary hanging on the rear view mirror or a Santo Nino on the dash board. Aba eh talagang tado ‘tong si David ah! Hindi ba ‘nya alam na maaaksidente kapag walang ganoon sa kotse?

3. No budget allocation to purchase karaoke machines in every White House room. Ibenta ang antique piano! Palitan ng karaoke ‘yan. ‘Wag kakalimutan ang magic mike, ha!

2. State dinners do not allow “Take Home”. Huh? Hindi puwede? Paano na ang presidential dog? Wala siyang buto? hehe

AND THE NUMBER 1 REASON WHY THERE COULDN’T BE A FILIPINO-AMERICAN US PRESIDENT IS….

1. Air Force One does not allow overweight Balikbayan boxes! Mr. Letterman, para ke pa at Pinoy ang presidente? You think hindi ipupuslit ‘yan sa eroplano? Maglalagay lang ‘yan sa sarili niyang piloto, lusot na ang mga presidential corned beef niya mwahahaha! :lol:

~ by ella on November 16, 2006.

18 Responses to “Kung ano-ano”

  1. ate ella:

    na-extra pa pangalan ko…salamat po

    see you sa white house!

  2. Filipinos are not terrorists kaya hindi tayo bagay sa white house. Nga pala, may maliit na restaurant malapit sa min, white house ang pangalan, masarap tinda nilang squid balls, kikiam…di ko alam kung bakit white house pangalan ng restaurant.

  3. Actually, Fillipinos are not arrogant enough to be at the White House… hehehe.

  4. ate ella:

    bago na naman ang template mo…

    anyway, tinatanong mo kung bakit hindi nawawala ang japanese cars? may malalim na sikolohiya iyan…maliban sa katotohanan na mas malakas lumamon ng gasolina ang mga kotseng amerikano

  5. hahahaha

    I didn’t know na may tanim ka pala na ganyang sayote…hmn…

    …loved the top 10! hahaha

    take care, ella!

  6. ano ba kasi ang dinidilig mo sa sayote at ganyan ang nagiging bunga? hahahah

  7. Naka nman ang sayote na un, kakaiba! meron pabang iba? kaya mobang lutuin at kainin un ella? o kainin nalang natin ng hilaw? heheH! joke!

    tama ka sa mga tinuran mo! alang hindi pwede sa pinoy! tayo pa! daming palusot! hehe!

  8. salbahe ka talaga Ella….hehehe

  9. Huwag mag-sama ang parehong geographically idiot.. hahahaha. dapat may map kayo.. kaso kahit may map, lalong nakakaligaw. Toink!

  10. Hi mistiquo,
    bakit punta ba tayo doon? Kasama sa itinerary natin? hehehe :smile:

  11. Ei Ariel lab,
    Alaskador yung kainan na yon hehe :wink: O baka naman puti ang pintura nila hehehe

  12. Blackcafe dear,
    hehehe right you are! malay natin, may Pinoy na gov ng Hawaii, ‘di ba hehe Sabagay, masyadong minority group, hindi puwede

  13. Ei Mitiquo ulit,
    Yup, lalo na kapag may edad na na na-transplant sa US, Japanese cars ang choice nila. Pero actually kahit ang mga FilAm na pinanganak doon eh. Usually Honda ang choice nila or Toyota.

  14. Hello Des,
    You too, dear, you take care, ok?

  15. Hi KU,
    Aba eh di dinidilig ko ng pagmamahal nyahahaha! :lol:

  16. Tikey,
    Sa hilaw ako wahahaha! :lol:

  17. Techguy,dear,
    hehehe ikaw naman porke’t nagbunga ng ganyan ang gulay ko eh…alam mo naman ang mga kamay ko hehehe :wink:

  18. Hello Razz,
    Sinabi mo hehehe nag-asahan ang dalawang tanga…kung saan-saan tuloy kami napunta nyahahaha! :lol:

Leave a Reply