18
Nov
06

Tiyangge…ng byutipul pipol

Balita ng isang kaibigan ko…”Ella, Ella! May tiyangge sa Rockwell. Punta tayo!” Rockwell? Tiyangge? Is she kidding? Ang alam kong tiyangge eh ‘yung mga panindang nakakalat sa mga daan o bangketa. O kung di man nakakalat eh nakalagay naman sa bilao…3 for P100, buy one take one o factory price (puslit in other words).

Malapit na ang pasko. Maraming inaanak, sandamukal na kamag-anak. Why not? Baka nga naman naghimala ang diyosa ng mga sosyal at pinayagan ang “buy one take one” sa loob ng Rockwell, ang mall ng magagandang tao. Papunta pa lang sa Rockwell eh lugi ka na hehehe. Dapat naka-taksi ka. Wala namang dyip na dumadaan sa harap noon eh. Ewan ko lang sa likod o sa mga gilid-gilid niya.

Lifestyle channel yata ang nag-sponsor sa tiyanggeng ito. Pero teka lang, loko ang kaibigan kong ‘yon talaga. Bazaar ang tawag doon, hindi tiyangge nyahahaha! Christmas bazaar and there is a big difference na hindi nakakatawa. Karamihan sa mga bazaar ay sa mga hotel ginagawa o sa mga sosyal na lugar, katulad ng Intercon Hotel, Makati Sports Club at the Tent sa the Fort.

May entrance fee ang mga bazaars. Katulad ng sa Rockwell, P100 ang bayad bago ka makapasok, may kasama pang stamping sa kamay mo hehe. Pagpasok ko pa lang eh medyo na-intimidate na ang byuti ko. Anak ng…parang mga artista ang mga nagtitinda. Panay mistisa, at puro Ingglisan ang naririnig ko, ke tindera, ke customer.

Sabagay may artista ngang nagtitinda, Mylene Dizon daw pangalan niya. Leather stuff ang tinda niya at take note, maganda pa rin siya.

guards-2.JPG

Mga security guards na naka-barong. Tiyangge ba ‘to? hehe

pretty-ladies.JPG

Sila ang bubungad sa iyo, pretty ladies ng Vaseline lotion

Nakakita ako ng magandang kuwintas na gawa sa sungay ng kalabaw at shells. “How much is this?” tanong ko (Inglis din syempre ako hehe) “Oh, this one?” sabi ng pinakamagandang babaeng nasilayan ng mga mata ko. “I’ll give it to you for P3,000 only. Look at the craftmanship and the texture blah blah blah….” 

crafts-2.JPG

Philippine crafts pero ang mahal, grabe!!

Only? Hehehe sa puntong ito, naisip ko ang kawawang kalabaw na naglalakad nang walang sungay. Ang sagot ko sa byutipul tindera, “Oh, I can’t buy this, I’m sorry. I just remembered, is the carabao dead?” Napanganga siya, beautifully, of course nyahahaha!

coconut-oil-2.JPG

Nabentahan din nga pala ako ng langis ng niyog hahaha! Syempre mahal din. Tsk. Sampung piso lang ang isang maliit na bote noon sa palengke, eh.

Pero dahil ako ay mahilig sa kape, nabentahan ako ng kandila ng isa pang magandang miss. Nung nabayaran ko na, muntik na akong maiyak. P500 para sa isang kandila? Waaaah! Eto ang dahilan…

pretty-candle-seller.JPG

Ang magandang tindera ng kandila

coffee-candle-2.JPG

Amoy kape ang kandilang ito, ‘yung caramel flavor, sabay may takip pa siya na kandila rin waaaah! Sinong hindi maloloka dito?

Isa pang kalokohang naibenta sa akin ay lutuan ng aking famous meat loaf. Loaf pan na made of silicone, P500 din hehehe. Para siyang malambot na goma. Hindi ko alam kung malalason ako ng ulam na lulutuin ko rito hahaha!

silly-loaf-pan.JPG

Nababaliktad ang pan na ‘to. Teka, ‘di ba silicone ‘yung nilalagay sa breast augmentation?

Of course, isa pang bagay na I cannot pass up, pink shoes hehehe. It cost me an arm and a leg but what the heck! Pink shoes, you’re mine!!!

sukat-2.JPG

Pati ‘yung taga-sukat ng shoes , maganda rin. Bawal yata ang pangit sa lugar na ‘to, ah.

shoes-3.JPG

Yeey! Ganda shoes ko!

Siguro naman, nahulaan ‘nyo na. Wala akong nabiling pangregalo sa mga inaanak ko at sa mga kamag-anak ko hehehe. Pero naubos ang pera ko, ha! Bakit kaya?

Hmmm….Hindi pa huli ang lahat. Divisoria…here I come! 

P.S. Nag-window shopping nga pala ako sa itaas ng mall pagkatapos. May nakita akong to die for na boots at bag ng Cole Haan. Kapal ng mukha ko, tinanong ko sa tindero kung magkano. Ang diin ng pagkakasabi niya hahaha! Kung baga sa blog ko, in bold letters, higanteng font, at may underline pa! “Yung boots, P17,000. ‘Yung bag, P29, 000!” Sabay tingin sa sneakers kong bulok. Wahahaha! Masama bang mag-usisa? hehe


18 Responses to “Tiyangge…ng byutipul pipol”


  1. 1 techguy
    November 18, 2006 at 5:53 am

    ella me alam akong insurance company dito sa toronto, ipa-insured natin yong “LEGS MO” ng 1 million US dollars….okey……..walang sinabe yong legs ni Jennifer Aniston……..

  2. 2 ann
    November 18, 2006 at 10:24 am

    Bumagay sa legs mo yung pink shoes. Dapat lang na maganda ang mga tindera kasi maganda rin ang namimili.

  3. 3 ariel
    November 18, 2006 at 10:43 am

    Teka, teka…ano ba ang pinapakita mo? Yung pink shoes o beautiful legs? Nakakalito!!

  4. 4 Jep
    November 18, 2006 at 1:06 pm

    hahaha. parang ballerina. astig.

    hi ella. imeshue!

    *meow meow*

  5. 5 mxrr
    November 18, 2006 at 7:27 pm

    walang food ? :-(
    hehe nice shoes … but i like the coffee candle idea…
    pang sosi naman na tyangge yan!

  6. November 20, 2006 at 1:17 am

    At ang legs mo daw ang tinitigan oh! hehe! usong uso nga yang mga ballet shoes na yan at bagay sya sayo!

  7. November 20, 2006 at 4:46 am

    ballet shoes nga yata yan miss ella? :) pero bagay sa maganda’t makinis na legs.

  8. 8 MeL
    November 20, 2006 at 5:15 am

    Waaa, I love the pink shoes! But I’m currently looking for pink pumps, I saw a Japanese girl was wearing it the other week. Anyway, kahit mag-Sale sa Rockwell, mahal pa rin dun. Haha. ;)

  9. 9 sarubesan
    November 20, 2006 at 6:15 am

    i like your pink ballet shoes..akin nalang pag nagsawa ka na..hahah

    ganun nga ibang sales lady, mapag mata (pilipinas man o dito)..sana sinampal mo ng sneakers mo. hahaha

  10. November 22, 2006 at 9:11 am

    Ei techguy, my friend,
    You made my day! :wink: thanks for the papuri hehe

  11. November 22, 2006 at 9:13 am

    Ann dear,
    Thank you, ha. Ang cute ng shoes no? Grabe. Ang ganda pa ng pagka-pink niya.

  12. November 22, 2006 at 9:15 am

    Ariel darleng,
    Nyahahaha! natawa ako doon, ah :lol: Tingnan mo na lang pareho hehehe

  13. November 22, 2006 at 9:19 am

    jep, sweetie,
    Miss you too :sad: Pero bakit meow meow? Di ba dapat howl? hehehe :wink:

  14. November 22, 2006 at 9:28 am

    Mxrr dear,
    Oo nga sa lahat naman ng pinuntahan kong bazaar, yan lang ang walang food. Puro mga accessories eh. And thanks. Yup pati yung baso “kuno” is made of candle of course. Cool :cool:

  15. November 22, 2006 at 9:31 am

    Hi TIKEY,
    thanks :smile: may bagong uso ngayon eh. Retro ang dating. ‘Yung peep toes. Mukhang mahirap ilakad. Taas ng takong eh.

  16. November 22, 2006 at 9:35 am

    Ei Mel dear,
    Yup, sinabi mo hehehe. Kaya nga may alikabok na ang mga tinda nila eh. Ala eh mas mataas pa sa 13th month pay yung presyo ng isang bag eh. Grabe.Naku pag pumps na pink, mukhang imported. isang buwang sweldo na naman ‘yan hehehe :evil:

  17. November 22, 2006 at 9:38 am

    Hehehe Jlois, maylab,
    Hindi, open back ‘yan. Parang tsinelas na may tali hehehe.
    Thanks for the compliment. :smile:

  18. November 22, 2006 at 9:40 am

    Hi Sarubesan.
    Oo nga eh parang sila ang may-ari ng paninda hehehe. Hindi lang sneakers ko eh. Mukha talaga akong basura, nyahahaha. nakapambahay lang ako eh. :lol:


Leave a Reply




…and your comments make my day

ella

My Other Site

baul ng kuwento

counter create hit
Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Categories

Mga bisita

  • 93,041 hits