Ito ang katotohanan. I value my boy friends more than any boypren hehehe Nakakalito ba? Ok, code natin -’pag “boypren”, ‘yon ang lalaking itinitibok ng puso ko (eeeew yuck), ‘yung puwede kong iharap sa dambana. Teka, sino ba ang inihaharap sa dambana, siya ba o ako? Kaming dalawa na lang kaya ang humarap sa dambanang ‘yan, no?
Sooo…..kapag sinabi kong boy friend, mahal kong kaibigang lalaki ang ibig sabihin noon, okey? Ang sarap magmahal ng kaibigang lalaki, na-discover ko kailan lang. Eto ang aming istorya de un amor…
Nasubaybayan ‘nyo ‘yung panahon na muntik nang umibig si Ella tapos eh biglang nagmukhang tanga hehehe. Mali pala ‘yung inibig ko, ‘di ba? huhuhu
Anyway noong kasalukuyang nagdurugo ang puso ko, maraming blog friends ang tulong-tulong na gumamot sa aking gutay-gutay na puso. Thank you guys, mwah! (you know who you are).
Merong isang reader o sabihin na nating “fan” (hehe kapal ko talaga minsan) ang tunay naman pong tumutok. Hindi ako binitiwan. Araw-araw kinukumusta ako. As in everyday, from morning till night. Lagi niya akong inaaliw, pinapatawa. Kapag naghihinagpis ako dahil sa aking broken heart, tahimik lang na nakikinig.
He saw to it that we chatted everyday. Walang paltos ‘yon. And all we talked about was me, me, mine and me. Syempre dahil I love myself hehehe, unti-unti kong nakalimutan ang aking nabigong pag-ibig. Ibinalik niya ang aking self confidence dahil feeling ko noon ang sagwa kong tao, saksakan ng pangit at walang binatbat. This boy friend of mine made me feel beautiful again.
To top it all, his pet name for me was “dyosa ng kagandahan”. Shet, ‘pag hindi ka pa naman feeling josah nga after a while (kahi’t hindi totoo), ewan ko na lang mwahahahah! He tried to find out what food I like. He didn’t ask , btw, he read my posts. Tapos, sasabihin na lang niya may padala siyang apat na lata ng piknik sa Bandera (Bandera sends them to me).
Tapos noon, may hopia naman ako kasi nabasa niyang I love Eng Bee Tin hopia (kaya lang kulang na ng isa kasi mineryenda yata ng sikyo ng Bandera hahaha). Noong birthday ko, he gave me Jack Skelington stuff (nabasa niyang I am into Jack S.) and a giant button with my picture on it. His thoughtfulness constantly surprises me.
Kapag maysakit ako, he sings me songs from the 60s and 70s era (he’s got a nice voice and plays the guitar well) kasi alam niyang type ko ang mga kanta ng Tatay ko hehehe. Lagi niyang tinatanong kung kumain na ako, kung nakatulog akong mabuti and tries to help me out sa lahat ng bagay.
Kahapon he left a big bag of nachos sa Bandera. Hindi raw niya naipadala agad kasi hindi pa siya nakabili ng dip. Pati dip? Kasi alam niyang patay na patay ako sa nachos ng Chili’s.
My goodness, maghihinala na ba ako? Baka naman love niya ako hehehe. Naaaah! He is my friend. I just feel so lucky he loves me. Napakasuwerte ng babaeng mamahalin niya. The nicest, kindest and most generous guy I had the good blesssing to know while blogging.
This is my tribute to you, Mike a.k.a Batang Palaboy. Sana kahi’t matagpuan mo na ang girl na mamahalin mo habang buhay (at ihaharap sa dambana hehe), special girl friend mo pa rin ako. Thank you so much for being there. Labyu mwah!
Nachos na mas masarap pa sa Chili’s, buttery taste yum
Kumpleto magbigay, with matching dips pa hehe thanks, Mike. Pero sabi ni TG at Joy kulang daw ang dip…bitin nyahahaha mga walang utang na loob, nakikikain na nga lang humihirit pa, no!


Love is in the air…anong friend friend ka diyan!!! You feel but you do not want to see?! Hmm, baka may balakubak, pweh!
Hmmm…I smell something……! Selos na ko nyan.
Pat darleng,
Nakakatawa! But he is a really nice guy. And the never-ending saga of ella’s lablayp continues….Putris ano kaya ending nito?
Nyahahaha
Ariel dear,
baka naman ‘yung ulam naming adobo ang naaamoy mo? wahahaha! LOL
dyaskeng bata ka Ella, okey na pala yong boses niya at tingin ko magaling humimas ng gitara, i mean he is really good in playing the guitar………kaya pala flawless na flawless ka ngayon….umhhhhnnnn………happy weekend
speaking of dip, dito sa toronto me cheese dip na supersarap,
the dip is so cheezy but a little bit liquid condition just when it touches your lips starts to melt and when it is combined with nachos…..ummhnnn…..yummmy…..
Techguy, my dear,
Oist sabi ko friend hehehe kayo talaga oo. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na ‘yan naks. Baby Ella pa rin ang byuti ko hehehe. Enjoy muna akong single dear. Free sa mga kunsumisyon, di ba?
Kunsumisyon kasi kayong mga lalaki tseeeh
oy kwidaw ka, MS ER, dapat magpahula ke madam para malaman mo kung kailan ka uli papanain ni kupido, sige ikaw rin malapit na ang VD at malamig ang pasko doon sa mga walang live jacket and warm and loving arms………hehehehehe….
according to my palito watch today is dec 9……..ilang tulog na na lang pasko na…..
Uyyy Ms. Ella.. is this it?? Is this really it??
Ei intruder,
He is a friend, dear. I wanted to thank him for his thoughtfulness. I believe we’re better off as friends. Walang emotional attachment of the other kind. We can care for each other and still be the best of friends, you know.
Kulet nyoooo! hehehe
Alam mo Ella dear, iyan din ang sinabi ko noon, noong best friend ko pa lang si hubby. He is my bestest friend talaga hanggang ngayon. Never kong inakala noon na kami ang haharap sa dambana (o devah?) Super thoughtful din siya at talagang lagi siyang nariyan kapag may problem ako.
actually mabait sya cguro lagi mo lng iniisip magkaibigan kayo kaya tingin m sa kanya boy friend lang minsan isipin mo na manliligaw m sya o kaya boyfriend d ba masarap.