Libreng regalo!!
Galing ako sa Glorietta kahapon. Mula tanghali hanggang gabi, isang regalo lang ang nabili ko. Ang sakit ng paa ko! ‘Yoko nang mag-shopping waaaah! Akala ko ba walang pera ang mga tao? Bakit ang dami nila sa mga malls? Noong isang weekend naman, nagtangka akong mag-shopping sa Divi, sa 168. Hindi sumakit ang paa ko, hulaan ‘nyo kung bakit.
Kasi inagos lang ako ng mga tao, noh! Hindi na ako naglalakad. Nadadala ako mga tao pero kung saan-saan naman ako napunta. ‘Yoko na rin mamili doon! Para akong ginulpi ng pitong tambay pag-uwi ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Shet, makatipid lang talaga, oo.
Habang hinihimas ko ang mga kalyong walang pakundangang tumubo sa paa ko, bigla akong nabwisit sa pagbili ng regalo. When did the celebration of the birthday of our Lord become so commercialized?
Kailangang hi-tek pa ang regalo sa mga bata, kung hindi, feeling kawawa sila. Minsan magugulat ka eh, alam nila kung ilang libong piso ang PS3. Hindi kaya tayo rin ang nagtuturo ng materialism sa mga paslit na ‘to?
I then remembered something I read a long time ago. About some free gifts, meaning hindi binibili. At naisip ko, bakit kailangang Pasko lang nagreregalo? Why not give gifts any time of the year? These are the greatest gifts, guys. Balik simpleng buhay tayo.
But you must REALLY listen! No interrupting. No daydreaming. No planning your response. Just Listening. Minsan, kapag nagsasabi ng problema sa atin ang kaibigan natin, sumasagot ang isip natin, “Huuu, gaga ka kasi, eh!”. O kaya, “Hmmm…ano kayang ulam namin mamaya?”
Focus, guys, focus. Makinig, tumango-tango, magulat, ngumanga at mag-tsk tsk. But don’t butt in and give your 2-cents-worth unless he asks for it.
Kahi’t sa YM chats, you can give the gift of listening. Minsan ni hindi ‘nyo na binabasa ‘yung sinulat ng ka-chat ‘nyo. Basta banat kayo ng kaka-tipa sa keyboard, daldal ng daldal tungkol sa sarili ‘nyo.
Sabi ng ka-chat ‘nyo…”Iinom na ako ng lason ngayon!”. Sagot mo…”Naku, ‘day, may sale ng Havianas ngayon!” Hmmm….sabagay, puwede rin ‘yon. Bukas na lang siya uminom ng lason hehehe.
Be generous with your hugs, kisses, pats on the back and handholds. Let these small actions demonstrate the love you have for your family and friends.
Pero dapat appropriate naman ang mga halik at yakap ‘nyo. ‘Wag naman ‘yung pag nagkita kayo unexpectedly sa mall ng friend mo eh bigla mong yakapin nang mahigpit at pupugin ng halik. Baka akala noon uutangan mo siya hehehe.
Share funny articles and stories with your friend. Clip cartoons. Laugh at the same jokes. Your gift will say, my dear friend, I love to laugh with you.
But please, never laugh at the expense of other friends. Do not laugh AT them, laugh WITH them.
It can be a simple “thanks for the help” note, a sonnet, or the lyrics of a beautiful song. A brief HANDWRITTEN note may be remembered for a lifetime and may even change a life.
You will notice I said “handwritten”. Sa panahon ngayon na lahat ng bagay, dinadaan natin sa text messaging, (minsan kaharap mo na eh ite-text mo pa ng “tnx”), it’s so sweet and quite surprising to get a note na sulat-kamay. Kung ako ang bibigyan ng ganitong mga notes, makakasiguro kayong itatago ko ’yon for the rest of my life.
A simple and sincere “You look great in red”, “You did a super job” or “That was the best meal I had in ages!” can make someone’s day. Kung nagandahan o nasarapan ka talaga, be generous with your compliments.
‘Wag kayong mambola. Kahi’t masagwa ang make-up ng kaibigan mo sasabihin mong mukha siyang artista. Kapag hindi totoo, ‘yon ay para na ring insulto. Complimenting is an art. Learn it.
There are times that we want nothing better than to be left alone. Be sensitive to those times and give the gift of solitude to others. Sa Tagalog, pipol, huwag tayong makulit.
THE GIFT OF A CHEERFUL DISPOSITION
The easiest way to feel good is to make others feel good. ‘Yan ang turo sa amin ng Tatay ko. Huwag maging pasaway, nakakapangit ‘yan ng mukha pati na buhay. Iwasang maging masungit, mataray, hambog o mayabang. Kasi baka magising ka na lang, ang tanging nagtitiyaga sa iyo ay ang iyong anino hehehe
Everyday, go out of your way to do something kind or say something kind. And let’s not expect a thank you in return.
HAPPY GIFT-GIVING, MY FRIENDS!



I’m afraid the gift of favor, solitude, and cheerful mood will just get flushed down the toilet by little kids who would prefer PS2’s over the aforementioned gifts.
Tsaka pag -ber season na di nako dumadaan sa Divi. baka pag-uwi ko kulang nako ng isang braso o daliri sa paa. =)
gleng-gleng tita ella. ayan tatandaan ko yang mga free gifts na nibanggit mo. isa na lang problema, kung papaano i-gift wrap. hehehe.
Nagawi din ako sa Divi, sinamahan ko ang isang friend ko. Never na akong tutuntong doon kapag ganitong panahon, grabe ang dami ng tao. Akala ko hindi na ako makakauwi sa hilo.
Agree ako sa lahat ng nabanggit mo sa entry mo. Mas mahalaga iyan kesa sa mga ibinabalot na gifts pero ok ding makatanggap ng gifts, hehehe.