header image
 

From bespren Des

Pinadala sa akin ni  Des sa email. Thank you, girlfriend.  ’Yung mga sagot niya, maiikli. ‘Yung sa akin syempre, nobela nyahaha! Ella daldal ba naman, eh. 

Welcome to the 2006 Holiday Edition of:               

Getting to Know Your  Friends”  

1. Eggnog or hot chocolate? 

Aktyuli, okey ang hot chocolate kung alaala ng Pasko ang pag-uusapan. Kasi noong maliit pa ako, nagluluto si ina ng tsokolate ‘pag Noche Buena. Ang gamit niya ‘yung tableya from Batangas. Pero ngayon mas gusto ko na ng eggnog kasi may alak nyahahaha! (dalawang klase pa) 

2. Does Santa wrap presents or just sits them under the tree?

Aba, malay ko sa kanya hehe Depende sa pagka-busy ng schedule niya siguro. At saka kung walang bonus ang elves, palagay ko di na sila mag-aabala. Pinupunit din naman ang wrapper, ilagay na lang sa mga recycled plastic bags ng supermarket hehe o divah? Tipid pa si Santa.

3. Colored lights on tree/house or white?

Kung ano ang “on sale”. ‘Yun bang nakatambak sa mga kahon sa SM. O divah? Tipid pa si Ella hehe

4. Do you hang mistletoe?

Trick question ba ‘to? Sinong ki-kiss sa ‘kin? Si Tatay? O kaya si Ana? 

5. When do you put your decorations up?

Ha? Wala naman akong decorations eh. Christmas tree lang, maliit pa hehe. Tapos palipat-lipat pa ng lugar. Kahapon nasa kuwarto ko siya. Bukas sa kusina naman nyahaha! Kaya nga santambak ang Christmas decor  sa blog eh. Tutal dito na ako nakatira, gusto ko feeling Christmas siya talaga.

6. What is your favorite holiday dish (excluding dessert)?

Bilog na lasagna!! mwahahaha!

8. Favorite holiday memory as a child?

Ah, ‘yung wala akong Santa. Tapos natakot ako kasi sabi ng mga kalaro ko salbahe daw kasi ako hehehe. ‘Nung tinanong ko si Nanay, tanga raw ang mga kalaro ko. Lalaki raw ‘yon kaya Santo Klos mwahahaha! Pero, grabe, feeling left out tuloy ako ‘nung bata ako dahil sa Santang ‘yan. Hindi peyborit eh, traumatic.

9. Do you open a gift on Christmas eve?

Hehehe Baka abutin ako ng umaga sa kakabukas. Bumawi ako kay Santa.

10.How do you decorate your Christmas tree?

Kapiraso nga lang ‘yung puno ko de-dekoreytan pa. Baka di na siya makita haha. Fiber optics tree ‘yon, dati nang may ilaw. Ribbon na lang nilalagay ko.

11. Snow: Love it or hate it?

None of the above. Wala namang snow dito, eh. ’Yung Sno Cone , type ko, orange flavor hehe

12. Can you ice skate?

Mmmm…yeah…quite well. And dami kong tinapong pera sa ice skating rink ng SM Megamall, noh!

13. Do you remember your favorite gift?

Si Godzilla.

14. What’s the most important thing about the holiday for you?

‘Yung gift-giving. May excuse to shop ang shopaholic queen hehe. And the food, of course.

15. What is your favorite holiday dessert?

Fresh strawberries with whipped cream. Yum, lasang ice cream.

16. What is your favorite holiday tradition?

‘Yung pupunta sa mga ninong at ninang at magmamano ( sabay makikikain na rin hehe)

17.  What tops your tree?

 Dapat ba lagyan ng topping? Ooops.

18. Do you prefer giving or receiving?

Definitely giving. Dalawin lang ako sa Pasko, okey na sa akin. Wait! I take it back, I accept GCs pala hehehe.

19. What is your favorite Christmas song?

Carol of the Bells at Little Drummer boy

20. Do you like candy canes?

Hmmm…lemme think..hindi yata. Ang tamis eh!

(Note: Check out videos of extreme lights displays sa “Rose in California” Awesome!)

~ by ella on December 15, 2006.

2 Responses to “From bespren Des”

  1. Hello!

    Thanks for answering this short questionnaire. (Na sa tingin ko eh nalampasan ng dami ng words ng sagot mo hehehe)

    sobra naman ‘yung mga kalaro mo, (re: # 8) na-trauma ka tuloy. pero patawa si ina mo ha…santo klos! haha sabagay, it makes sense. he surely is a man.

    Hope you’re having a great weekend, Ella!

    Take care! :)

  2. Ei Des,
    hehehe Alam mo may kwento ‘yang si Santa and my cruel playmates. Kinabukasan, Dec. 26, tinawag ko lahat ng kalaro kong pinagyayabang ang mga laruan nila from Santa. Alam mo naman ako kuwentista, sabi ko nakita ko si Santa nahulog sa bintana nung kapitbahay namin, nangisay tapos tinakbo sa ospital —patay nyahahaha! Wala nang santa hehehe Naniwala sila tapos nag-iyakan. Nakaganti na rin ako. Teka, masama nga yata akong bata ah tsk tsk

Leave a Reply