I went to a children’s party (yehey may life ako!)
First birthday ng inaanak ko. Excited ako kasi may party siya sa McDonald’s, SM Makati. I kid you not. Excited talaga ako. It’s my first party of the season haha! Feeling unpopular na ang byuti ko eh. One week na lang, Pasko na, wala pa akong invite. Buti na lang December ang birthday ng inaanak kong ito. Aaah, ang gulanit kong pride, saved by little Charize. McDo party, here I come!!
As usual, last minute shopping for a gift ang ninang. The biggest mistake of my life. I got my goddaughter a cute little SpongeBob Square Pants rider. Aktyuli, hindi pala siya little. Malaki siya para balutin ko. So sugod ako sa gfit wrapping section ng Rustan’s. Shet, umabot na yata hanggang Jolo ang pila. Kailangan ko siyang balikan kinabukasan, the day of the party.
Kinabukasan, 3:30 ang party, dumaan pa ako sa “express thingy” section ng Rustan’s to claim my gift. Syempre, as usual ulit, hindi ko na-foresee that I had to hand-carry that humongous gift (see photo of humongous gift sa harap ko) from Rustan’s to SM sa gitna ng sandamukal na shoppers. And I am telling you guys, it’s not a joke! Kahi’t saan ka lumingon, shoppers dito, shoppers doon, akala mo may delubyo sa Makati at animo mga langgam na binulabog ang mga tao.
At last, matapos ang walang kunsensiyang pakikipag-balyahan sa mga shoppers para makausad lang (I used the gift as a weapon, btw), nakarating na rin ako sa McDo. Jeez, wrong choice of wardrobe pa ang byuti ko. Dahil walang tirante ang blouse ko, muntik na akong mag-ala Britney (sa itaas nga lang) hehehe. But it’s all worth it. Kinilig ako nang makita kong Disney Princesses ang theme ng party! Yeeeey! I “heart” the Disney princesses! (see photo of princess Ella nyahahaha) Willing na willing mag-suot ng pink crown ang byuti ko, no!
The highlight of the party, the parlor games! Aba kesehoda kasali ako sa contestants. Ang daming pink princess stuff na prizes ano! Kawawang mga bata hahaha! Hmp, pakialam ko sa kanila! Sabi ng emcee, “Bring me a beautiful girl”. Sabi ko sa katabi ko, “Hoy itulak ‘nyo ako sa harap, biliiis!” Of course I got the prize - pink princess plastic headband bwahahahaha! Next, “Bring me an ATM card”. Halos itapon ko sa mukha ng emcee ang ATM card ko nyahahaha! (actually nadapa muna ako ) I got the pink princess shades, of course ulit. Nakuha ko na ang gusto ko. Pinagbigyan ko na ‘yung ibang mga bata sa next games hehehe.
And the next exciting event, the mascot! Picture-taking with Hamburglar (medyo pandak si Hamburglar, nabigo ako). Anyways , photo session pa rin kaming dalawa. All in all, it was a great party. As I have always said, guys, do not let that child in you go. You’ll never know when it will come handy. I really enjoyed myself and I got tons of pink plastic princess stuff, too hehehe.
P.S. To all my Bandera column readers: Bandera is doing a survey re: your favorite columnist. Eto ang sabi nila….
“Sino ang paborito mong Bandera columnist?
May kinakaaliwan ka bang columnist dito sa Bandera? Yung tipong hindi buo ang araw mo pag di mo siya nabasa? O baka naman meron kang columnist na kinaiinisan dito? Puwede mo ring sabihin sa amin yan. Sino man sila i-text sa amin 09206457458, at sisiguruhin naming makakarating ang iyong comment sa kanila. Salamat po.”
Guess kaninong column ang unang binoto, the first reply sa survey? Hehehehe Tama , ang inyong lingkod, si Ate Ella, naks! Thanks to whoever sent this text sa Bandera. Mwah!
Published Bandera issue Sunday, December 17, 2006
Thanks again, ha. Because of your text, I hold the honor of being the first column voted by a reader.



Oist nasaan na kayo?? Nalulungkot na ako!! Feeling nag-iisa ako dito (mukhang tanga hehehe)
May naririnig na yata akong huni ng kuliglig ah, huhuhu
Hello! Andito pa ako. Katuwa naman yang kiddie party na yan at ang regalo mong higante! Hahaha. Naks naman, hayaan mo, iboboto rin kita as fave columnist ng Bandera. Promise! Totoong fave kita! Mwah
ate ella:
feeling ko rin may kuliglig sa kabila mong blogsite hehe
Naingget nman ako Ella sa pink crown mo, akin nlang yan! heheh!! medyo medyo li-low sa blogging, kc mag papasko! ! pero di kita iiwan ella peksman…
friendship, ayos ang get up natin ah bagay na bagay yung pink crown mo hehe. Anyways, Merry Christmas to you at sa family esp kay tatay saka ke kumare ko *wink*
Take care & God Bless
test
okay, pwede na ulit.
kahapon pa ako try nang try mag-iwan ng bakas dito eh. pero galit yata sa akin ang wordpress…ayaw pumasok ng comment ko.
i love the crown…pahiram! haha
re: bandera…galing galing!!! congrats!
Okay ka rin, pinatulan mo mga bata sa games, he he he. Pati sa prize pink pa rin ha.
Hehehe I know Mel, dear. Lagi mo akong dalaw eh. Naglalambing lang ang byuti ko
Mwah!
Oist Mistiquo! Whaaaat?!? Akala ko, Carol of the Bells yung sounds natin doon. Crickets pala nyahahaha!
Teka nga, palitan ko hehehe 
Merry merry Christmas to you, TIKEY, my pretty blogger friend! Lambing ko lang ‘yon dear hehehe
Ei Des,
Oo nga, medyo nagloloko si WP. Kasi yung comments ‘nyo dapat send nila sa email ko, eh lately wala. Nakita ko nasa bulk mail yung latest comments eh (kasama ng spam hehe)
I wish you and J and Jeff the merriest of the Holidays! Mwah!
Ariel maylab,
Nakakaaliw yung Joyeux Noel!! Loved it! Thanks, mwah!
Maligayang Pasko sa iyo, kaibigan kong mahal!
Ella, bumoto na ako noong isang araw pa. Merry Christmas! mwah!