“Ten things I would never do”….pramis….peks man (ano kaya ‘yung peks?)
10. Do cartwheels
…..nang hindi red or black lace ang suot kong panties. Of course naka-mini ako if ever may balak akong mag-cartwheel. Anong kwenta ng ganyang gawain kung hindi akma ang iyong get-up?
9. Dumura sa daan! –
This is the rudest, the crudest and the most yucky thing anybody can do! Naalala ko ang isang irog potential ko. Ang pogi, matangkad at mabait. Noong minsang namamasyal kami sa park, balak ko nang ibigay ang binukayo kong “oo” kahi’t wala naman siyang tinatanong. Holding hands pa mandin kami sabay biglang dumura sa daan ang ungas!! Eeeeew!! Kinilig ako sa pandidiri na muntik ko nang maging boypren si spitting Joe, shet!
8. Magsuot ng stockings ![]()
—o pantyhose o sheer nylons na kasing-kulay ng balat ko! Yaaaak! Why oh why?? Para saan ‘yon? Magsusuot ako ng black stockings na may tattoo anytime (this is soooo cute!) and I adore fishnet stockings (marami ako nito) but not flesh colored! Never! I find it uber tacky! Parang nanay ko, eh.
7. Magsuot ng socks as in puting medyas sa open back and open toed sandals -
Pliiis! Plis lang, don’t let me see you in this fashion faux pas! If you remember, nauso ang ganitong kahunghangan dito sa atin. Wearing sandals is next to being barefoot. If you cannot do without your medyas, don’t wear sandals. Kung 4 years old kayo, puwede pa hehe. Rubber shoes o chucks na lang o kaya boots. Pucha, ‘wag ding mag-medyas sa sneakers! My goodness!
6. Magsigarilyo – Ika nga nila, kung may kagalit ka, turuan mong manigarilyo. Baka masama ang sigarilyo kaya ganoon, ‘di ba? Nakakakulubot ng mukha, nakakatanda, nakakapangit, nakakabaho ng hininga, at higit sa lahat, nakakamatay. Pero ok sa akin kapag ganito ang korte ng dahon hehe.
5. Mag-sing along sa karaoke -
hehehe sorry po sa mahihilig kumanta at doon sa may magic sing, pero hindi pa ipinanganganak ang magpapakanta sa akin na emote na emote (may papikit-pikit pa) habang nagbabasa ng lyrics sa TV (na laging may babaeng naka-bikini). Hindi ko naman nilalait ang favorite after-office at party activity na ito ng mga Pinoy, but….mmm….well, sabihin na lang po nating tone-deaf ako. At kapag mahilig mag-karaoke ang manliligaw sa akin, basted agad. Pipiliin ko na lang si spitting Joe. Sorry po ulit.
4. Magmaneho ng nakainom – Maglalakad na lang ako o kaya magta-taxi kung lasing ako. May tito akong maagang namatay dahil sa driving under the influence. Nabangga siya dahil nagmaneho siya after drinking. Ang malungkot may nadamay pang iba.
3. Ang sumakay (ulit) sa extreme rides sa Six Flags - Nakakahiya! Nasuka ako…literally, as in inilabas ko ang lunch ko. Akala ko kamatayan ko na eh.
2. Ang magpautang o utangan ang kaibigan ko – hehehe hindi po ito joke. Naniniwala ako sa kasabihang sa magkaibigan, “never a lender or a borrower be”. Maraming magkakaibigan ang nagkakasira kapag may hiraman na ng perang nangyari. Bigyan na lang, ‘wag nang pautangin.
1. Ang i-reveal na ako si Catwoman. Oooops mali…..si batgirl pala.
**Hindi na lang po ako magta-tag ng ibang blogger friends. Mahirap na gawain ito eh.


ei ella!
i agree with #2. money matters can complicate friendships.
have a good one!
nakakasira nga raw ng friendship ang mangutang or utangan…nakakainis kasi pag di ka binayaran, at ang nangutang naman ay lagi kang iniiwasan.
turn off din ako sa mga taong dumudura sa daan, yuck!
Sexy naman sa aking paningin yung mga babaeng nagsusuot ng fishnet stockings na balck ang kulay at lalo na kung sing puti ng legs mo ang magsusuot non siguradong mapapalingon talaga ako at mapapatitig.
Kung yung mga dumudura sa daan ay yucky na syo miss Ella eh di mas lalo na yung mga sumisinga sa daan
Di mo na kailangan ng stockings.
Meron isang town dito na pinagbawal ang dumura at magtapon ng basura sa daan. Sana nga buong Kingdom na.
Ayaw mo ng normal na sigarilyo ha!
Thanks sa napakabilis na paggawa ng assignment.
ate ella:
kaya pala ayaw mo akong pautangin gusto mong maging friends tayo lagi…tenkyu na rin kahit papaano….
at tungkol doon sa preceding post…pasensya na po doon sa mga namumuhi sa mga abogado…tenkyu na rin kahit papaano…
sabi nga ni ms ella, sport daw ako…sabi ko naman, pang-pamilya din po
haha..napako ang tingin ko dito sa blog mo…thats cool… meron akong mga nagiging kaibigan na nangutang sa akin ng pera,,,after a few days pag siningil mo na tataguan ka na…darn!
coffeebarista,
I read this post again. Natuwa rin ako sa kanya LOL. Tama ka sa mga nangungutang na kaibigan, nagiging kaaway mo na pag siningil mo hehe