27
Feb
07

Ligaw-probinsyano

Nakakatuwa! Pero nagka-problema tuloy ang byuti ko. May nagbigay sa akin ng isang buo, as in higanteng hinog na bunga ng langka. Ang laki, joskopoh! Hindi lang yon ha. May kasama pa itong isang kaing na manggang hilaw, the kalabaw variety. Dito muntik na akong maloka. I heart manggang hilaw! Lalo na pag hinihiwa nang manipis, tapos sawsaw patis o kaya bagoong. Shet, sarap!

Anyways, ang problema ko eh yung higanteng langka. Anong gagawin ko sa kanya? Alam ko ang matamis na langka eh nilalagay sa halo-halo o kaya sa turon. ‘Yun bang saging na saba, babalutin ng lumpia wrapper, lalagyan ng ilang pirasong langka tapos ipriprito. Pero ilang piraso lang ang magagamit ko rito! Aanhin ko ‘yung iba?

Mamatamisin ko, puwede rin. Pero hindi kaya sumakit ang tiyan ko sa kakakain ng matamis na langka? Magluto kaya ako ng ginatang bilo-bilo? Naisip ko na ring ibenta yung iba sa palengke hehehe. Kesa masayang, no!

‘Yung manggang hilaw, marami na akong maiitim na balak sa kanya. Gagayahin ko ‘yung mangga salad ng Gerry’s Grill. Chop the green mangoes, tomatoes and onions. Add bagoong and sprinkle chopped chicharon on top. Perfect salad for fish!

Meron akong food processor, therefore I can make green mango shake, my peyborit. ‘Yung iba pahihinugin ko. I can make manggo refrigerator cake. O puwede akong magpasasa sa hinog na mangga hanggang sa masira ang tiyan ko hehehe.

Aliw na aliw ako sa nagbigay nito. Biro mo, pinitas niya ang mangga (sa farm nila sa probinsiya, btw) tapos isinakay lang niya sa bus ‘yung higanteng langka at isang kaing na mangga. And then brought them to my doorstep. Pinaghirapan , ika nga. I remember the ligaw probinsiya noong araw, also known as paninilbihan. Pagi-igibin ko na rin sana ng tubig, kaya lang wala naman kaming balon hehehe.

And what’s so amazing about this guy, he grew up in California. Just settled here about four years ago. But he is so set in his barriotic ways. He loves the provincial life. Ayaw na niya sa urban jungles, I think. Even if he works in Makati, he goes home sa probinsiya nila every weekend at may pasalubong siya sa akin palagi. Alam niyang I heart puto kutsinta, so I have many supots of puto every Monday morning.

I think he loves me kahi’t wala pa siyang sinasabi hehe. Nanliligaw probinsyano muna. Tapos ako naman si dalagang Filipina na saksakan ng yumi at hinhin, magpapakipot muna, ‘di ba? Pero teka, baka makawala na naman ito sa kaartehan ko waaah! :cry:

P.S. Cute ‘to, guys. Tall dark and pogi hehe literally. Hmmm….dapat yata konti lang ang pag-iinarte ko, no? Baka boypren na, maging bato pa (hindi nakakatawa ‘yon pag nagkataon). 


19 Responses to “Ligaw-probinsyano”


  1. 1 maria
    February 27, 2007 at 10:28 pm

    hi ella,
    wow! nakaka inlove naman ang guy na yan. one in a million na ang ganyan ngayon. kaya kung type mo rin sya wag ka na magpakipot pa. go girl!!! baka maunahan ka pa ng iba hehehe

  2. 2 techguy
    February 28, 2007 at 12:24 am

    asan ang bagoong?

  3. 3 Gerard
    February 28, 2007 at 1:46 am

    Opportunites know but once; love is like a blissful sleep and a fleeting dream. As soon as you realize love; he’she is gone so if you feel any sort of affection for him; the least you can do is reward his labor right? The reward part though is up to you… ^_^ WHAPAK!

  4. February 28, 2007 at 3:03 am

    parang kinikilig ka, ate ella…naaaaks!

    parang na-feature na sya sa isang magazine or newspaper na nabasa ko…taga pampanga ba?

  5. March 1, 2007 at 10:50 am

    Ms. Ella baka hindi na naman tao yang sinasabi mo huh. Baka teddy bear o unan lang yan.

    Pero good luck!!!

  6. 6 joven
    March 1, 2007 at 10:58 am

    aba may naniningalang pugad na naman ba? kung Tall, Dark and pogi yan at feel mo pa sagutin mo na baka maging bato pa pag nangawit sa katitingala :)

  7. March 2, 2007 at 3:00 am

    hello ella :)
    sa wakas nka comment na din ako .. i’ve been a silent audience lng ng blog mo since last year… one thing il say, you’ve added spice in the blog world tlga… :) keep it up..

    nweiz, cn relate ako dyan sa ligaw probinsyano, i once had a manliligaw, kinuha pa ako from the office with his nice car… tapos sa likod eh may nkatagong higanteng langka… eheh.. :)
    with higanteng papayas on the side… :)
    kaya lng hindi ata umepek ang gayuma nya dun kc basted hehe…
    keep on posting ella, :)

  8. 8 techguy
    March 2, 2007 at 3:19 am

    hala ka! mukhang me na “romantic ewan” sa yo na taga-promdi, guapo ba? oragon ba? hehehe……joke only…….

  9. March 5, 2007 at 9:48 pm

    Hi Maria,
    Oo nga eh. Pero may problema tayo, dear. Wala naman siyang sinasabi eh! Paano ko sasagutin kung wala namang tinatanong? Waaah :cry:

  10. March 5, 2007 at 9:49 pm

    Hi techguy,
    Madami akong bagoong . Iba-ibang klase hehehe

  11. March 5, 2007 at 9:52 pm

    Ei Gerard,
    Hindi ko nga alam kung bakit ganoon eh. Panay ang regalo pero wala namang sinasabi. Waiting game muna ang byuti ko hehe

  12. March 5, 2007 at 9:54 pm

    hi Mistiquo,
    he is from Pangasinan. Yup, medyo may kilig. I kinda like him. Actually he was a ramp model sa US bago siya umuwi dito. I’m playing it by ear.

  13. March 5, 2007 at 9:56 pm

    sham,
    hahaha! Don’t worry, totoong tao na ‘to hehehe

  14. March 5, 2007 at 9:58 pm

    hi Joven,
    Sabi ko nga paano ko sasagutin kung wala namang tinatanong? Alam mo naiisip ko, ako na lang kaya ang magtanong hehehe Kaya lang masisisra ang pagka-dalagang Filipina ko hmmm …

  15. March 5, 2007 at 10:00 pm

    Ei windchimes,
    Wow! Papaya? naku isa pang paborito ko ‘yan ah. Nilalagyan ko ng gatas (powdered) at asukal hehe Naku wawa naman, bakit nabasted?

  16. March 5, 2007 at 10:02 pm

    techguy,
    Oo, oragon siya hahaha!Kaya lang iba style nito…walang sinasabi. Regalo lang nang ragalo.

  17. 17 techguy
    March 6, 2007 at 12:56 am

    Ella said: “Oo, oragon siya hahaha!”……techguy said: joke only – narinig ko ang tawa mo hanggang dito sa toronto…..tawang me malisya….hehehehe

  18. 18 pininggercia
    March 21, 2007 at 4:40 pm

    omg.. ang sweet naman nung guy… lam mo konti n lng guys n ganyan ngeiion.. chka u noe wut?? i think he likes u a lot ckuhzz he’s willing to go through a lot of things fo yah.. chka wak k gaano magpakipot.. f u leiik him too, kaht paano leiik magbugay k ng khit konti n hint n gs2 mo sha pra lgi sha motivated n manligaw seiio oha


Leave a Reply




…and your comments make my day

ella

My Other Site

baul ng kuwento

counter create hit
Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Categories

Mga bisita

  • 92,656 hits