Remember my sweet probinsiyano? Nahinog na lahat ang manggang hilaw na bigay niya. Kinain ko na hehe. Namigay naman ako sa mga kamag-anak , oy. Inuulam ko na nga ‘yung iba eh. Sarap palang ulam ng manggang hinog sa mainit na kanin, no?
Anyway, buhay pa siya. Ang aking probinsiyano hehe. Ibang klase talaga. Patuloy pa rin ang style probinsiyanong panunuyo (meaning pagreregalo). Last Monday, dumating ulit siya sa bahay na may bitbit na malaking kahon. Isinakay na naman niya sa bus ‘yon, ha. Medyo naintriga ako kasi mamasa-masa yung karton. Ano kaya ‘yon?
Pagbukas ko, napanganga ako. Sandamukal na bangus! Sariwang bangus, dinaing, tinanggalan ng tinik, ibinabad sa suka at ibinalot sa plastik individually. Inilagay ang tatlong deboned bagus sa isang plastik. Binilang ko ang plastik…dalawampu! Jeez, 60 daing na sariwang bangus!! Sariwa dahil bagong harvest at hindi frozen.

May kasama pang tatlong plastik ng tig-tatatlo ring tinapang bangus. Grabe, ang bango ng smoked bangus! Hindi ako nagpahalatang gustong-gusto ko nang iprito ang mga bangus at iulam sa kamatis.

Pero nagka-problema na naman ako sa dami ng regalo niyang isda. Nag-isip na naman akong kumuha ng puwesto sa palengke. Paano namin uubusin ang 69 bangus?? Tatlo lang kami sa bahay. You mean tig-20 kaming ng daing na bangus at tig-tatlo ng tinapang bangus? Hindi kaya mag-amoy isda na kami na binabad sa suka?
Tinanong niya kasi ako minsan kung ano ang peyborit fish ko. Sabi ko daing na bangus, ‘yung binabad sa bawang at suka. I also love tinapang bangus, lalo na ‘yung tiyan. Aba at may palaisdaan rin pala sila bukod sa manggahan. Ayun tinambakan tuloy ako ng daing.
Anong sey, guys? Kapag nagkataon Ella haciendera ang labas ko nito hehehe. Hindi masama. Teka lang, ‘yun pala taga-kaliskis lang ng bangus at taga-pitas ng mangga si Ella nyahahaha!
P.S. Muntik na akong maloka sa sarap ng tinapang bangus. Inulam ko sa kamatis. Grabe! Ang saaaaraaap! Iba talaga pag sariwa ang isda (at saka mas masarap kapag regalo).


aba am so intrigue na talaga! pwede pakishare ng pic?? nyahahha pra di obyus e-mail mo sakin pra makaliskisan natin!!!
wow! ang sarap naman nang ulam mo. pareho tayo, paborito ko rin ang bangus at kamatis. mahal nga lang dito sa Canada.buti na lang hindi umamoy at nasira yung bangus sa init!
susmaryosep…….mukhang taga….dagupan yang manliligaw mo! pupurgahin ka ng bangu….sorry dapat bangus pala plural…..hehhehe….napakadame……sana kamo sinamahan ng bagoong at kamatis….marame sa dagupan noon….
yan ang manliligaw amp! wala akong masabi! bilib na ako ke ser!
hi ella, taga pangasinan ba ‘yan ella? kasi marami ding manggahan doon at siyempre dagupan bangus..sarap naman ..talagang mapaparami ang kain mo niyan…seems to be a good guy…
zup peeps? long time nawala eh… cheers! – art
wow~ ang daming bangus niyan, sis…pwede bang
magpa ampon sayo para naman makakain rin ako ng
bangus? hehe….
wow! parang crush ko na ang manliligaw mo ah!! eheheheh!
Hi Maxi,
Pag sinagot ko na, ipo-post natin pic niya. Buti na ‘yong sigurado, baka tayo mabulilyaso eh hehe.
Hello Armando,
Hindi naman umamoy kasi nakababad na sa suka eh . Ang sarap talaga. I know ha. Ginto ang bangus sa mga Pinoy stores. Teka may Filipino store sa lugar ‘nyo?
Techguy maylab,
Hahaha Uy patawa ka ha? Bangu – plural bangus? Hmp, natawa naman ang byuti ko. Ewan ko kung Dagupan City nga siya. Teka itatanong ko hehe.
Gerard,
Ala, eh, gagawin yata akong tindera ng bangus at mangga , darling hehehe
Ei Emily dear,
Yup, taga-Pangasinan nga siya. Oo nga, mukhang masusungkit ng mamang ‘to ang minatamis kong oo. Matiyaga masyado eh. At saka tahimik. Hindi masalita. Kabaliktaran ko hehe.
Uy Art! Saan ka nanggaling, lab? Ang tagal na kitang na-miss. Welcome back, pren! Mwah!…and hugs too.
Hi Idealpinkrose,
Oist, long time no see, dear. Ang dami pa nga sa freezer namin eh. Hindi naman siya nakakasawa, sa totoo lang. Sarap almusal lalo na kapag malutong ang pagkaka-prito yuuum!
Ei Sham,
Dalawa na tayo. Crush ko na rin yata eh. Nami-miss ko kapag matagal na wala eh hehehe. Hmmm…bad sign.
there’s quite a few pinoy stores. pero marami ring mga chinese and vietnamese stores na nag bebenta nang mga products natin like longganisa, Mama Sita’s, dried mangoes. I even saw Eng Bee Ting hopia in a freezer at a viet grocery.