May mumu sa bahay ko (a true ghost story)
Wait, mali yata ang spelling. Momo yata ang tamang pagbaybay. Ang mumu kasi eh ‘yung mga kapirasong pagkaing nalaglag mula sa plato. I’m not sure really….pero sige, I’ll compromise. Mumo na lang ang tawag ko sa multo sa bahay namin.
Kalilipat lang namin ng bahay, ‘di ba? I chose an old house kasi mahilig ako sa mga luma. I love the architecture and style noong 60s-70s. Alam ‘nyo naman ang mga bahay noong araw, ke lalaki ng mga kuwarto, ke lalapad ng mga sahig na kahoy at ke luluwang ng mga bintana. As a bonus, materyales puwertes pa siya! Palagay ko, daanan man ng bagyo ang bahay na ‘to , hindi matitinag.
It is a two-storey, 3-bedroom house with huge living and dining areas and a big kitchen. Dalawang bedrooms lang ang okupado namin. Isa kay Tatay and the bigger one sa amin ni Ana. Ginawa kong family/TV room ‘yung isa.
Marami akong theories sa mga ghosts, apparitions, poltergeists, elementals, etc. None of them prepared me for an actual encounter with one. Actually, four. Hindi ko pa alam kung ano sila talaga eh. I have to make a more extensive study of the paranormal activities sa bahay namin.
Meron akong weird na libangan sa buhay….ang maglinis ng banyo. I like my bathroom tiles sparkling clean. Another reason why I wanted this house was the number of bathrooms. It has 3 1/2. Each room on the second floor has its own at may powder room sa ground floor.
Sa banyo sa TV room ko unang na-meet ang aming resident mumo. It has two doors, one leading to the room and the other one to the hallway. Katatapos ko pa lang mag-kuskos ng banyong ‘yon so I left the two doors open para makasingaw ang chlorox. Binuksan ko rin ng todo ang pinto ng TV room.
For the record, mag-isa lang ako sa bahay that Sunday morning. Umalis si Ana at wala rin si Tatay. Bumaba ako para linisin naman ang powder room. Umakyat ako ulit after about half an hour. Nakita ko agad ang pinto ng banyo sa TV room. Nakasara ‘yung nasa hallway. Nakasara rin ang pinto ng TV room. I tried to open the door to the bathroom. Naka-lock.
This is an old house…with old doorknobs. Hindi siya pinu-push para ma-lock. You have to turn some thingy in the doorknob clockwise all the way down. You can only lock and unlock it from the inside. I tried opening the door to the TV room kasi magkatabi sila. Naka-lock din.
Balik na naman ako sa pinto ng banyo. Habang hawak ko ang doorknob, I felt it turn….mag-isa niya, shet! Napatalon ako. Syempre binitiwan ko ang doorknob sabay atras nang malayo. Patuloy sa pag-ikot mag-isa ang doorknob ng banyo hanggang bumukas ang pinto….nang mag-isa rin niya! Shet ulit! Walang tao sa loob!
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinawag ko si Ana. Si Tatay. Walang sumasagot. Mag-isa pa rin ako sa buong bahay. I heard a loud click. Narinig ko munang bumukas ang switch ng ilaw sa banyo bago ko siya nakitang sumindi. Puta, abuso na ‘to!
Kasunod noon, bumukas din mag-isa niya ‘yung isang pinto ng banyo papasok sa TV room. Shet, puro kilabot na ang buong katawan ko. Nakatayo na yata lahat ng buhok ko. Tinitigan ko ang doorknob ng pinto ng TV room. May hinala akong siya naman ang susunod na bubukas mag-isa. Dapat na yata akong tumakbo at magtago sa kuwarto ko!
Hindi ako nagkamali. Nagsimula nang umikot ang doorknob sa pinto ng TV room. Unti-unting bumukas ang pinto. Oh. My. God. May nakita na akong kamay na nakahawak sa doorknob! Waaah! Hindi ko na hihintaying makita ang buong katawan nito! No way! Kandarapa akong tumakbo papunta sa kuwarto ko sabay lock ng pinto.
(Itutuloy)



taragis parang “the others” nyay!
Kagabi ko dapat babasahin ‘tong entry mo kaso alam kong nakakatakot kaya ngayong umaga ko binasa!
‘katakot naman na-experience mo, sana mawala na. Ang ganda pa naman ng house niyo, nakita ko sa isang post mo yung pictures nung ayusan mo.
Balik blogging nga pala ako, wordpress na rin.
God Bless! —–> Ronald
Nakakatakot nga! Kasi ako duwag, pwamis! hehe. pero you need to pray hard or if you want, pabendisyunan mo yung bahay.
I do believe in spirits..pero, may pinakita pang kamay….lalabas na ako ng bahay niyan at magsisisigaw.
Kwento na ulit…
hulaan ko saan kalye house nyo, sa bandang balete drive ba pretty ghost whisperer ella?
daming at home resident mumus, ano mga puno sa paligid ng bahay? baka natuwa sila first time naka experience na malinis yung banyo kaya nagparamdam, ginawa nila parang sala ang banyo sa sobrang linis at cozy hihi
Bitin!
Can’t wait for the installment. Hehehe!
[...] umaga ko…pagbukas ko sa pc ko nabasa ko ang blog ni Wanda na nagpatawa na namn sa akin at ang Blog ni Ella na may momo sa bahay….lalo akong naengganyo na magsimulang magsulat…..at eto na [...]
Buti di ka nahimatay o di kaya tumakbo palabas ng bahay Miss E! Gosh,halos himatayin ako ng nakita kong umikot mag-isa ang doorknob ng shop ko…di ko pa man napapasok ang susi ko para buksan ang pinto!Baka may hitory yang bahay nyo na pang X-files!
*History po pala…nahihiya yata mg letra ko ng keyboard ko…kahit anong pindot gawin ko ayaw lumabas ng ibang letra…
Jon,
Loooove that movie! Grabe sa ending. Hinding-hindi mo akalain, di ba? Direction and script are awesome!
Ei Ronald,
Lagi kitang dinadalaw, kita mo? Stalker ang dating nyahahaha!
Hi Ambo,
Hmmm…yeah, I think I’ll do that. Do I need to invite people and have a party after pa-bless ang house? Ah wait, that’s why they call it housewarming. Yup, kulang sa init ang bahay. Dapat maraming tao para mapuno ng life. Tatatlong piraso lang kasi kami tapos ang laki ng bahay.
Hi Emily,
Alam mo, matagal nang may paranormal happenings sa bahay namin kaya lang I didn’t make kuwento kasi tinitingnan ko pa kung may logical explanations. Analyze to death kami nina Tatay. Eh kaso mo, hindi talaga maipaliwanag. Pero since I blogged about it , medyo tumahimik sila. Ano ‘yon, ayaw ma-tsismis? hehe
Hi kulotsalot,
O sige magsusulat ako ngayon hehe
Hello Vennisjean,
Ah, diyan ako mayabang. A-tapang a-tao ang byuti ni Ella Pero minsan nagugulat din ako tapos ang bilis kong tumakbo hahaha!
Btw, binisita ko ang site mo. Congrats. You go, girl! Blog! Blog! Blog!
some things are better left unsaid….and unexplained.
same thing happens at a friend’s house, but different scenario..yung 12yo daughter ng friend ko from kyusi mahilig kunan ng picture sarili niya using her mobile, alone, madalas, sa kwarto niya… one time, around 5pm, paalis sila para magsimba, pagka bihis, kinunan na naman ni MJ sarili niya… pag tingin niya sa cellphone, nag taka siya (at nanginginig sa takot), bakit may isa pang mukha ng “bata” sa bandang likuran niya? ayaw pang maniwala ng mom and dad niya kaya ki no nek nila sa computer, meron talaga! they send me the pix, and yesiree, meron nga.. tumawag sila ng pari at pina blesan nila yung bahay na inu upahan bago mag lipat (nag kataon naman tapos na yung pinagawang bahay at paalis na rin yung pamilya don).
Yes yes you can invite as many as you can. Sama mo kami ha. Kaming bahala. Ghostbusters here we come! Sugod mga kapatid! lol
plz txt me thiz is my # 09066111663
plz txt me thiz is my # 09066111663 i’m a girl
ako gusto ko lang magbasa ng mga stories na nakakatakot…pero di pa ko nakakaranas kahit minsasn..preo sa totoo lang ayaw kong maka experience..magbasa nalang pwede pa…nice guys..kwento pa..chao!
nga pala pano mag upload ng pix dito..hehe