Wala nang momo?
Sinunod ko na ang payo ‘nyo, guys. Nagpa-basbas na kami ng bahay noong Linggo. Ipinagluto ko lang ng spaghetti si Father sabay nag-order na rin ako ng fried chicken. Oist, Ambo, hindi mo ba na-receive ang invite? hehe
So far, wala pang bagong hauntings since the blessing, thank God, pero ikukuwento ko pa rin sa inyo ang mga kababalaghang naganap sa bahay namin. Tamang-tama, malapit na ang Haloween hmmm…
Ang malaking impakto
an artist’s rendition of kapre (from google images)
Nagkaroon kami ng bisita for one weekend, kapatid na babae ni Tatay na galing sa Bicol. Noong first night niya, wala namang nangyaring kamultuhan. Sa kuwarto ni Tatay siya natulog at si Tatay naman sa TV room. So far so good.
Noong second night niya, nagising kaming lahat sa malakas na katok ng tita ko around 4 am. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko, ano ba’t nakaluhod ang tita ko sa sahig! Putlang-putla ang matanda at ang lamig ng mga kamay na mahigpit na kumapit sa binti ko. Pinaupo ko muna sa kama ko si Tita at pinainom ko ng tubig para mahimasmasan.
Maaga raw siyang natulog noong gabing ‘yon dahil pagod pa rin siya sa biyahe. Sa gitna ng gabi, may naramdaman daw siyang mabigat na kung ano na nakapatong sa noo niya. Kinapa niya ang noo niya at unti-unti siyang dumilat. Ang una raw niyang nakita ay ang mahaba at maiitim na kuko (patay na kuko?) ng isang malaki, maitim at mabalahibong kamay na nakapatong sa noo niya.
Tumingala siya nang husto kaya nakita niya ang mapupulang mata ng nasa ulunan niya. Matangkad, malapad ang balikat, mahabang balbas na hanggang bewang (she just presumed the length) at makapal ang balahibo. Hindi niya nakita ang itsura ng mukha. Basta nag-aapoy daw ang mga matang nakatitig sa kanya.
Ang masakit kamo, hinawakan ng tita ko ang sarili niyang noo, ‘di ba? Bigla niyang na-realize na magka-holding hands pa sila ng impakto! Napa-Hesus Maria y Hosep si Tita sabay tumalon mula sa kama. Ito ang bad trip. Nalinsad ang paa ni Tita at napahandusay siya sa sahig. Hindi siya makatayo! Kaya pala nakaluhod sa harap ng pinto ko ang matanda eh gumapang siya palabas ng kuwarto. Ni hindi raw siya lumingon.
Kahi’t gusto nang umuwi ni Tita eh hindi niya nagawa. Sumakit nang husto ang ulo niya (kung saan hinawakan ng impakto), nilagnat pa at namaga ang paa. Sa kuwarto ko na pinatulog ang kawawang Tita ko.
Ang sabi ng Tatay ko, it was not a ghost or a spirit. Puwedeng laman-lupa, kapre, o matanda sa punso. I know, I know, legends and folklore lang ang mga ito. There’s no solid proof that these beings exist but for want of any other rational explanation regarding the thing’s identity, tatanggapin ko na muna ito. I heard and saw the same “dark entity”, remember? I was sure hindi nananaginip si Tita.
Nag-import na si Tatay ng albularyo mula sa Bicol nang hindi pa nawala ang lagnat ng kapatid niya. Ginawa ng albularyo (na kamag-anak din nina Tatay) ang lahat ng ritwal. Tinawas, sinuob (pinausukan) ng insenso pati ang bawa’t sulok ng bahay, at binigyan ng mahiwagang papel na may nakasulat na makapangyarihang orasyon ang tita ko. Nakabalot ito sa mahiwagang panyo, ha. Panlaban daw ‘yon sa mga laman-lupa.
I noticed one strange thing about the “tawas” though. The melted candlewax was shaped exactly like the dark shadow I saw in the TV room… maliit na yellow version ng higanteng anino. And the albularyo described what my Tita saw….eksakto…hanggang sa mahabang balbas at maiitim na kuko. And nobody said anything to him about that night my Tita was touched by a big impakto.
Now, how can I explain that?
P.S. Gumaling na nga pala si Tita at sabay na silang umuwi ng albularyo sa probinsiya.




Inabangan ko to! Salamat naman at ok na jan…I remember yung bahay ng tita ko na tinirhan ko sa Nova sa MAligaya PArk,nung buntis pa ang pinsan ko madalas kami makakita ng malaking anino sa pinto pero di namn pumapasok tapos nun sabi nung albularyo dapat daw mag ensenso every 3pm and 6pm on every corner of the hause.well,siguro epektib yun kasi until nanganak ang pinsan ko wala ng nagpaparamdam.Just keep praying and wag mo na silang murahin ha?Baka magalit cla sayo, pamagain ang dila mo…ganun daw yun eh! God Bless Miss E!
ella,
There are things in this world that is hard to explain. I hope matahimik na diyan sa inyo. Have a good day!
conspiracy theory:
si tita at albularyo ay gf-bf. before lumuwas si tita, pinag usapan na nila ni bf ang kwento nila. ayun nakapagbakasyon silang dalawa ng libre.
buti naman na-bless na house nyo. ngayon ko lang nalaman yung rosamistika. hala, habol muna ko ng basa.
Hi Ella Rose…makikidaan at makikisali lang po sa usapan n’yo….marami rin po kasi akong karanasang ganyan. Mayroon po ba kayong Holy Bible sa bahay n’yo?
Maniwala po kayo sa hindi, kahit dito sa Middle East marami ring mga local residents ang naniniwala sa mga ganitong bagay. ginagawa rin nila yang pagpapa usok ng ensenso sa bahay.
nyahahaha
REGAL SHOCKER itetch!!! tenks for the linklove Ellaganda! mwaah!
hanep ella. sana hindi na sila makulit. more effective yata than the incense eh kung magdasal nalang kayo.
hehehe officially tapos na ba ang horror season ng blog na ‘to? hehehe nakakatakot nga naman. minsan daw kasi sabi ng mga mas nakakatanda sa atin tayo ang nakaka - istorbo sa kapwa nating naninirahan sa mundong ito kaya sila ay naliligalig at nagpaparamdam sa atin. Saka sabi rin nila di lahat ng tao nakakakita at nakakaramdam ng ganyan. is kayong pamilya ng mga “gifted” ella hehehe.
Naku Ella baka pinadala mo sa momo yang invitation kaya di nakaraating sakin hahahaha. Hala grabe na talaga yan. Nakangingilabot nangyari sa Aunty mo. Don’t worry na bless na ang bahay nyo, let’s just pray wala yan. Let’s just hope. Pero don’t forget to continue your prayers pa din.
Kahit na gusto ko pa rin may itutuloy dito sa kuwentong mumu mo dahil mahilig ako sa mga scary stories, Sana nga ay wala nang magparamdam at mawala na silang tuluyan diyan sa bahay ninyo.
Tama si Ambo, continue prayers pa rin, mas maigi yung prayer na naririnig ng malakas para kung meron mang “iban” na nakikinig eh manginig sa takot at magsilayas na.
Hi again Ella Rose…pasen’ya na kung magiging makulit ang dating ko..pero matanong ko lang, saan ba nakalagay ang Bible n’yo?
Hindi lang magkahawig ang Bible at Koran….yong Old Testament ay part din ng Koran.
Parang me nagbago dito? hmmmm…Btw, Ella ano kayang matulog kami one night sa inyo? Parang gusto kong ma experience yang mga momo na yan. Sinong sasama? hehehe
Well i guess umalis na ang ghost sa #17 bangkilya street midtown village marikina city.
29 November nangyari habang pinaglalaruan ang daughter ko. cry over talaga c daughter. Nagawa kundi labanan kahit di ko cya nakikita,.,.grabe..ayaw umalis…ng 30 november ganun din nangyari, 01 december ganun din ang kulit…ng 02 december nag decide na ako pa TAWAS POWER… Pero di parin me comfortable..grabee buti na lang may butihin me naging frend na nag advise na ganito ang gawin…
IHANDA ang MGA SUMUSUNOD:
TAWas na color YELO
TAWas na color BLACK
ULING
KALAN IHAWAN
LIGHTER OR Posporo
LATA NA LALAGYAN na MAY HAWAKAN
PULANG DAMIT
*AGIMAT -OPTIONAL ITO PERO MAS OKIE PARA DINA BUMALIK
1) IHANDA ITO BAGO MAG 3PM
2) dalawang beses gawin 3pm at 6pm
3) DIKDIKIN ANG TAWAS yelow at black at
i-mixed
4) Magpabaga ng ULING HANGANG MAMULA ANG
KULAY NITO
5) MAGSUOT NG PULANG DAMIT
6) PANALANGIN BAGO MATULOG
O CYA ..BASTA ANG GOD pa rin ang nakakataas sa lahat….
KATOTOHANAN LAHAT HO ITO.. OR VISIT HERE dito sa apartment na ito…ACtually maraming clang mumo panay babae na walang mukha…ramdam ko cla noon..pero ngayon andito cya sa tabi ko..
Wala naman.. nakikidaan lang din. Anyway, we do have that kind of experience din here samin sa house of ours. What we make do na lang is kept our house noisy and all ingay na lang kasi sabi ni mamng albularyo we need to make all the ingay possible daw kasi it hates daw ng lamang lupa. try it kasi its effective talaga.
Creepy pero atleast di nananaket. uu pag ako din nakakaranas nang ganyan minumura ko sila just like what your dad said nawawala naman sila.
waaa na wrong post ata ako dapat sa may part 2 nong kwento mong mumu sa house nyo. Sorry