19
Oct
07

Nasaan ka irog (the last of the series…sana hehe)

Maglalagay ako ng excerpts ng payo ng isang kaibigan. We will call my friend “angel” (as in my guardian angel). Siya ang aking tagasubaybay at tagapayo, lalo na sa affairs of the heart. This was a comment posted sa Ellaganda in “whisper mode” kaya ako lang ang nakabasa. Okey lang siguro sa kanya kasi biglang naging anonymous na siya doon hehe. Magic.

Talagang asa ako sa mga payo ninyo, guys. Remember, my mom left us when I was still a cute and pretty little child (kapal na naman). Ako pa ang ate sa aming magkapatid. Nasanay na akong umasa sa sarili ko pagdating sa major decisions sa buhay namin. Usually, I do this by trial and error at base na rin sa mga nakaraan kong experiences.

So far, wala pa namang major palpak ang byuti ko. Why? Because I listen. I listen to people and friends na mas may experience sa buhay. I read your comments….line by line. Dinadalumat ko silang maigi…tinitimbang. I know your comments are the voices of experience.

Lagi kong ginagawang entry ang ganito. Kasi po, aaminin ko, I am such an idiot when it comes to my own personal affairs. I don’t know what’s good and bad for me kapag tungkol na sa pag-ibig. Minsan nga hindi ko alam kung pag-ibig nga ‘yon o gutom lang ako.

I remember a comment by a KSP reader sa ellaganda (puti siya)…”you are stupid because you are a virgin”. Mwahahahaha. Unggoy. Syempre, deleted ‘yon agad hehe

Kaya kapag medyo nalilito na ang byuti ko, hala, ikuwento sa mga blogkada. And you know what’s amazing? Parang matagal na tayong magkakilala. Dapat naman siguro noh. Dalawang taon na tayong nagtsi-tsismisan eh.

I think I have an idea kung sino..unless hindi siya blogger”.

….Very astute, this angel of mine. I mentioned clues left and right hehe, as you have noticed.

“Maybe what you are feeling is brought by a mixture of factors..una..click kayo kaagad kahit hindi mo siya talagang masyadong kilala (your word)….he has great admiration for you and likewise you feel the same for him.”

…..Yes, admiration can be the biggest factor kung bakit ako na-attract in the first place. You are really wise, my dear angel. But the click part is medyo questionable pa. It takes a lot of time spent with each other for any legitimate clicking to happen, right?

“then ….you have friends that are in a good relationship right now, so you wanted to feel that way too…”

…Yup, eto na ‘yung inggit part. Wala pa akong naging boyfriend, that fact is clear. Kahit anong daldal ko sa blog na parang ang dami kong nalalaman sa mga relasyon, pag nasa harap ko na ang sitwasyon, mukha na talaga akong tanga. Gusto ko nang umibig waaaah!! At ibigin syempre hehehe.

“third (this is just a guess) ….you are not that busy”.

Hahaha! Grabe, why? Why , my dear angel? Bakit mo ako kilalang-kilala? Oo nga. nag-resign ako sa isang trabaho ko kaya may oras na ako sa mga kalokohan ko hahaha! Putsa, nagmukha na akong matanda sa kakatrabaho, lumapad pa ang puwet ko (sa kakaupo) tseh!

Now this is the part where I listen really well. Like naka-focus talaga ang byuti ko. Kasi kinikilig ako sa mga papuri! Isasali ko pa yung comments ng ibang friends natin para mas masaya. You know me, guys, I’m the queen of vain hahaha!

“Basta, darating din ‘yon. You are beautiful, intelligent, interesting, funny, and strong young lady…when the right man comes your way..you’ll know it…and I am sure he’ll know it too. Siguro, admiration lang ang nararamdaman mo sa taong tinutukoy mo. Get on blogging and take care! ” —my guardian angel

” i’m still rooting for you!
papaprint nga ako ng t-shirts.
ang nakasulat…. TEAM ELLA”
—Shakes (uy penge ako ha, baka naman ibenta mo pa sa akin ‘yah nyahahaha)

“smile sweety! lots of people labyu! isa nako dun!” —-Azrael (You wuv me!!)

“na-curious ako.. gusto ko malaman, what kind of a person will make ellaganda fall in love? —-Azrael ulit (Uy doble hehe but yeah, I also asked myself that question)

“kagandahan ella”—-Maru ( o di vah, isang word lang, kinilig na ako hehe)

“Oist Ella, huminahon ka” —–Selvo (bakit walang papuri? :cry: )

“haaaay what a lucky guy hehe” —–batang palaboy (you wuv me rin!!)

“am sure meron ka ding matitisod na para sa yo”—-kengkay (mommy kengks, nagkakaubusan na yata ng stock ng mga lalaking available nyahahaha)

“di naman kailangan ng university certificate pagdating sa usaping puso diba?”—-maxi (maxi, dapat wala rin siyang marriage certificate hahaha)

“always love talking to you, for the meantime self service mode muna ako ” —-batang palaboy (huh??)

“kung sino mang lalakeng nagpatibok ng pihikang puso ni Ella ang masasabi ko lang napaka-swerte nya. Bah?! wala na syang hahanapin kay Ella isang maganda, sexy atsa tingin ko magiging ulirang maybahay.”—–Jlois (mwah! mwah! mwah! Ang dami kong papuri yey!)

So, my dear, friends, thank you so much sa matiyagang pakikinig at sa mga payo. I think you know what I have decided to do. I’ll just sit in my chair and wait VERY pretilly sa lalaking para sa akin at sa akin lang talaga. 

Sa iyo aking irog part 2, thank you. Kahit ilang oras lang ang ating “affair”, it was fun, it was cute, at ang daming kilig hehe. Mwah, dear one.


7 Responses to “Nasaan ka irog (the last of the series…sana hehe)”


  1. October 19, 2007 at 6:35 pm

    Nasaan ka irog (the last of the series…sana hehe) …….. SANA NGA ;)

  2. October 19, 2007 at 6:46 pm

    trish dear,

    yup, kung alam mo lang. Someone with a name like yours made me decide because I read her blog. And I knew how much this guy meant to her. Her words tugged at my heart. Tagos kaluluwa ika nga. Minahal kong bigla ang blogger na ‘yon na kapangalan mo. So there….her wish is my command.
    Smile, my dear and sleep tight.

  3. October 20, 2007 at 1:57 am

    amf hinananapan pa ako ng papuri… paano ko pupurihin ang iyong walang kupas na kagandahan at alindog kung nagdudurugo ang puso kong parang binomba sa glorietta? hayz

  4. 4 maxi
    October 20, 2007 at 2:38 am

    my FIL always reminded me the saying “time wounds all heals” heheheh malokong inlaw! eto galing sa puso ko ha? don’t seek the love of your life because if it won’t come along your way, you’ll gonna be disappointed rather let love find you lahat tayo dumadaan sa trial and error when it comes to love affair the main thing is, you learn a lesson or two out of the many trials that accompanied failures. Ang mahalaga nagmahal ka at natutong umunawa and its something to be proud of.

  5. 5 kengkay
    October 20, 2007 at 7:20 pm

    pramis yan, ella…there’s someone out there. meron ka ngang guardian angel e, ka perfect lab team pa kaya :D

  6. October 22, 2007 at 2:20 am

    Don’t worry Miss E….darating din sya when you least expect him to come ^_^… wag ka lang madaming iniisip about ideal and dream guys…or a perfect match for you kapag ganun kasi mahihirapan kang makita na nasa harapan mo na pala siya.(Take it from me…kahit mukhang butiki si Bf ko at least masaya ako at feel ko na talagang mahal ako ng taong ‘to… Sa ganda mong yan, madami may gusto sayo kaso nga lang baka wala pa siyang lakas na loob na humarap sayo…^_^ just keep smiling…and bukas kakatok na siya sa pintuan niyo ^_^.


Leave a Reply




…and your comments make my day

ella

My Other Site

baul ng kuwento

counter create hit
Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Categories

Mga bisita

  • 92,656 hits