20
Oct
07

Silipan na!

Na-tag ako ni Selvo. Hehe Nahalata na rin nilang walang nagta-tag sa akin, no?

Di ko alam kung late na pero gusto ko sana masilip ang work station ng crush kong si Ella (na may kalandiang iba)

Point 1: Saan male-late, Selvo dear? May deadline ba ‘to? Point 2: Hmm…crush…hindi kaya nagmumukha na akong crush ng bayan nito, darleng? Hala, hindi na tuloy ako naniniwala sa inyo eh. Point 3: May kalandiang iba? Waaaah! Mukha naman akong slut ngayon! Ano ba ‘yan?

Naku, dyoks only, Selvs ha! Huwag kang kabahan hehe Enweis, dahil malakas ka sa akin, ipapakita ko na sa iyo LAHAT ng itinatago ko. Silipin mo na ang gusto mong silipin nyahaha :evil:

Simulan natin sa close-up hanggang sa makita mo na nang buo ang aking tinatago hahaha!

mouse.jpg

O sa mouse pa lang kita mo na kung ano ang peyborit ko ha? My namesake, syempre

workstation-2.jpg

Eto ang buong desk, na katulad ng pagkatao ko, saksakan ng daming nakakalat hehe

ws3.jpg

Ayan medyo nakikita mo na ang kabuuan niya

ws6.jpg

O ayan buo na. Nawala yung ibang kalat no? hehe Eh kasi luma na ‘tong pic na ‘to eh. Nilagay ko na nga ito sa ellaganda

pic-2.jpg

Pati ang nasa likod ko ipapakita ko pa rin sa ‘yo. Ang dami kong mga prinsesa, no?

ws7.jpg

Hahaha! O di ba? Hindi lang blogstation, buong kwarto pa LOL Ang lakas mo talaga sa akin, Selvo (nasa right ang workstation)

blog-station-2.jpg

By the way, eto pa ang isang computer ko. Nasa den ito sa ibaba eh. Luma na rin pic hehe

O, hindi na ako magta-tag, Selvo dear. Baka ma-late na nga tayo nang husto eh.


25 Responses to “Silipan na!”


  1. October 20, 2007 at 5:46 pm

    late po dahil Oct. 10 pa ata ako nitag ni chuckie… di ko nakita kaagad kaya humabol na lang ako ng response. salamat po sa pasilip hehehe di lang work station ata yun buong kwarto na yata yun. syempre i’m impressed. kalat na ba tawag mo dun? ano na lang kaya ang itatawag mo sa kalat ko.

    salamat pos sa pagpapaunlak. di ako magtataka kung crush ka nga ng bayan… pero naiiba ako… crush ka ng isang maka-bayan hahaha korni :D

  2. 2 kengkay
    October 20, 2007 at 7:23 pm

    nakow, nakita nung anak ko yung mga prinsesa mo, ganyan daw gusto nyang kwarto paglaki nya.. naging idol pa talaga si tita ella :D

  3. October 20, 2007 at 10:17 pm

    “di ako magtataka kung crush ka nga ng bayan… pero naiiba ako… crush ka ng isang maka-bayan hahaha korni :D

    Hmmm….korni nga pero binili ko pa rin hahaha! Walang anuman, Selvs, basta ikaw mabilis kong pauunlakan ( what a word hahaha hinukay pa sa malalim).

    Ako naman ang paunlakan mo ha. Kapag nagco-comment ka dito, try mo ngang gumamit ng malalalim na Tagalog. I adore the Filipino language and I miss the makata style. Nakalimutan ko na ang tawag doon eh. ‘Yun bang parang nag-dedebate pero patula. Lambing ko lang naman sa iyo, dear.

    Oist p.s. bigla kong naalala. Balagtasan ang tawag doon di ba? Nakapanood ako dati sa isang play, tuwang-tuwa ako eh.

  4. October 20, 2007 at 10:24 pm

    Kengks,
    Nung pinost ko yan sa ellaganda daming nag-email tinatanong kung saan ko nabili yung frames, pillows etc, Puro sila mga mommy na kinulit din ng mga prinsesita nila hahaha. Teka lang, ibig sabihin ba noon, isip-bata ako hehe

  5. October 21, 2007 at 3:44 am

    Balagtasan ang tawag doon aking hirang.
    Sagutan ng tulang di papaharang
    upang ngiti mo’y aking maaninag man lamang

    huwag kang mag aalala ella kong irog
    para sayo tula ko’y parang ilog
    sumaya man lang ang mukha mong bilog :D

    uubusin kong lahat ng aking talinghaga
    makuha ko lamang kahit katiting ng iyong paghanga
    titigilan ko na at manonood pa ng Eat Bulaga

    Bow!

  6. October 21, 2007 at 6:55 am

    Mamang Selvo, aking idolo
    bakit ang mukha ko ay iniwangis sa plato?
    kinilig na sana itong pihikang puso
    at abot-tenga pati na ang ngiti ko

    hindi na kailangang daanin sa talinhaga
    ang dalagang ito ay dati nang tagahanga
    ng talas ng isip at talim ng dila
    sa pagsubaybay mo sa ating bansa

    naks! aylabit! Dapat yata naka-barong ka at ako naman ay nakabaro’t saya, tapos naka-pusod LOL Feeling lolah!

  7. October 21, 2007 at 7:46 am

    Ella kong sinta at irog,
    panga ko sa iyo ang nahulog,
    bakit ulo ko’y iyong binibilog,
    di mo ba alam puso ko ang nahuhulog

    Ganda mo’y sa diwata
    Alindog mo’y sa diyosa
    sino ba akong payak na hampaslupa
    kung katabi mo’y mukhang lamang-lupa

    Ellarose kong mahal at giliw
    Salamat at ika’y sa akin naaliw
    nailabas sa wakas damdaming inaagiw
    muntik na akong maloko at mabaliw.

  8. October 21, 2007 at 8:18 am

    Hehehe hindi na kaya ng pawers ko ‘to. Ang lufet! Bow x 10 si Ellababe. Selvo dear, you made my day! Thank you mwah!

    “sino ba akong payak na hampaslupa
    kung katabi mo’y mukhang lamang-lupa”

    category: ROFLMAO hahahaha! :lol:

  9. October 21, 2007 at 11:40 am

    hahaha… twas fun for me too ellababe. thanks din ;)

  10. October 21, 2007 at 12:02 pm

    Yan ba yung me mumu? E ang ganda naman parang bahay ng isang prinsesa eh. Kasing ganda ng may ari. hehehe

  11. October 21, 2007 at 12:04 pm

    Btw, akala ko si maria leonora teresa ung nasa taas. hahaha. At yung tuta na yun mukhang guilty nga. Di kaya puyat lang hahahaha

  12. October 21, 2007 at 10:22 pm

    Aba at Linggo ng Wika pala rine? hehehe! ang galing niyo parehong tumula ni Ka Selvo.

    Ganda naman ng kuwarto mo ‘la! Naku kung makikita rin ni Lana yung mga disney princess mo matutuwa rin yun. Uy si Jack Skellington yung nakaupo dun sa ilalim nung tatlong teddies di ba? Peborit mo nga rin pala yun! hehe!

  13. October 23, 2007 at 3:38 am

    ang nice naman ng workstation mo ella :) eh kung magulo na yan, ano pa tawag sa place ko?? hehe

  14. October 23, 2007 at 8:08 am

    oh i so love the mousepad! :)

  15. October 26, 2007 at 3:11 am

    anak ng pating… work station ba to?! :D
    ang ganda! parang… parang hi-tech an nursery! wow! :D

  16. October 26, 2007 at 8:20 am

    Ganda, pero parang may napuna ako, bakit ang daming ipod? hehe

  17. October 30, 2007 at 9:56 pm

    Lavern,

    ala eh hindi naman yata materialistic ang mga mumu hehehe Ke maganda ke pangit ang palgid, basta type nilang mumuin, mumumuin nila hahaha

  18. October 30, 2007 at 9:59 pm

    Oo nga Kiko, lab ko si Jack Skellington, naalala mo. Kainis nga eh nauso na siya masyado. Niligpit ko na lang yung mga bags ko at sapatos na Jack. Pero lahat ng laman ng kotse ko siya pa rin hahaha Faithful ako eh

  19. October 30, 2007 at 10:03 pm

    Lavern ulit,Hahaha nginatngat nung tuta yung gilid ng carpet palagay ko. Naghimulmol na siguro hehe

  20. October 30, 2007 at 10:12 pm

    Alam mo ris, malapad yang table na yan. Tamo ang sikip na sa dami ng tambak. Naku every year namimigay pa ako ng stuffed toys sa mga street children ng lagay na yan ha. Eh kasi wala namang function ang stuffed toys eh kaso mo yun ang laging binibigay sa aking gift pag birthday ko at pasko. I think I have more than 50 teddy bears and pigs. Ayun kasya na sila sa isang bahay LOL

  21. October 30, 2007 at 10:15 pm

    Didee, the mousepad? Yung South Park? hahaha Akala ko yung mouse eh. Hay fan din ako ng South Park eh.

  22. October 30, 2007 at 10:19 pm

    Gerrycho wahahaha nursery?? Ay oo nga ano, waaah isip bata ako!

  23. October 30, 2007 at 10:21 pm

    Hahaha Gerrycho, nursery? Ay oo nga ano? waaaah isip-bata ako?

  24. October 30, 2007 at 10:24 pm

    Lani, puro regalo yan hehe naibenta ko na nga yung isa eh, yung dating binili ko. Tapos yung shuffle ko nanakaw sa opis waaaah! Yung medyo malaki is an external hard disk. Andyan lahat ang music files at pics ko. Uso na kasi ngayon ang ganyang kaliit na hard disk eh.

  25. November 29, 2008 at 1:41 am

    someday ella…i will be just like you…:)

    (fan??)

    12 yrs old palan6 me…

    ate ella…i have a question

    masaya ka na ba sa buhay mo???


Leave a Reply




…and your comments make my day

ella

My Other Site

baul ng kuwento

counter create hit
Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Categories

Mga bisita

  • 92,656 hits