26
Oct
07

A rose colored world?

Kiko Matsing, on October 26th, 2007 at 9:01 am Said:

Wow! Congratulations!!! Pink na pink malamang ang nakikita mo sa paligid dahil ika’y inlab!!


Kiko dear, katulad ng sa itaas ba ang ibig mong sabihin? Hmmm…doesn’t it remind us of something? Hehe kulang na lang yung kissing lips nyahahaha! Eh bakit hindi magiging pink ang paligid ko eh kulay pink ang kurtina ko at pink ang unan ko pati kobrekama ko. Pero black ang nightie ko!

Oo nga at punong-puno ng kilig at landi ang katawan ko, mula dulo ng buhok hanggang dulo ng kuko, but this friggin’ brain of mine always gets in the way. Isa pa I’m too damn pragmatic for my own good. Kainis.

Ang napansin ko sa mga labistori ko, ang ikli ng honeymoon stage. Hindi pa umaabot ng isang linggo. ‘Yun bang para kang nakalutang sa ulap at walang laman ang ulo mo kundi tunaw na ice cream. Tapos parang hiniklat ang labi mo sabay nilagyan ng scotch tape sa dalawang gilid. Laging nakangisi na parang naka-damo.

Naalala ko tuloy si happy birdie aka boy adobo, ang aking reader na Atenista. Nakipag-un ako sa kanya, kinilig ng tatlong araw, tapos biglang nag-away na. Anak ng tokwa, would you believe ni hindi pa kami nakapag-EB, break na kami agad? Hanggang chat na lang kami. Hahahaha anbilibabol but true.

Meron din naman akong mga little romances noong nag-aaral pa ako. Mga muntik na pero hindi rin naging seryoso. Dito sa bagong work ko meron din. Pero parang biruan lang lagi. Talaga yatang hanggang tatlong araw lang ako LOL :lol:

Now, James? I think I really love the guy. Sa kanya lang ako nag-imagine na nakasuot ako ng wedding dress. That must mean something, right? I’ll even go the extra mile…I want to have his baby! Shhhh secret ‘yon. Hindi niya alam hahaha :lol:

Emily said, “Both of you shouldn’t make each other change the way you are, now that you found each other again. Changes has to come from within yourselves..let your love, respect and trust for each other guide you to do that.”

Tama ka ulit, dear friend. Dalawang araw na akong nag-iisip. I want to do everything right this time. Gusto ko, as Kiko said, kulay pink ang paligid ko nang mas matagal naman sa isang linggo, noh. At katulad din ng sinabi ni Kengkay at Azrael, just enjoy the feeling. I’m sure they meant the euphoric feeling of being in love. Gad, how I’d love to , eh ang problema nga, hindi nagtatagal sa akin ang euphoria na ‘yan.

For my next post, dadalumatin ko kung bakit ang dali kong mapikon sa lalaking mahal ko. Ika nga ni G.I. Joe, knowing your enemy is half the battle won.

Addendum: Ay, ayoko na palang magdalumat. Bahala si G.I. Joe sa buhay niya. Tama kayong lahat. Enjoy the feeling. I’ll just close my eyes…..feel his heart beat against mine….run my fingers through his hair…..feel his warm breath on my skin…….savor the sweetness of his lips…….O M. G. Iniibig ko siyaaaaa! Haaaay kulay pink nga…..


10 Responses to “A rose colored world?”


  1. 1 maria
    October 26, 2007 at 10:09 pm

    aaaaayyyyyyyy kinikilig naman ako! lalo na dun sa addendum, feel na feel ko, parang harold robbins ang dating hehehe…..oist, siguraduhin mong wala si tatay sa paligid pag ginawa mo yon ha? kung ayaw mong mapingot at kung ayaw nyang (james) mapikot. aniweys, i’m pretty sure cute na cute ang future “baby jella” (ano ba yan! pati utak ko naging futuristic na rin). ah basta i’m really happy for you!

    mabuhay si ella!!!!!

  2. October 27, 2007 at 12:31 am

    Miss E ang importante masaya ka.Keep Loving and keep smiling..Sana tuluy-tuloy na yan…

  3. October 27, 2007 at 10:37 am

    Naks! Talaga naman! Inlab na inlab!! Good luck sa inyong dalawa! Sana talagang for keeps na ang inyong pag-iibigan! :)

  4. October 28, 2007 at 1:41 am

    Hay!!! Nabuhay ulit ang lovelife mo. Inggit ako..heheheheh!

    Masaya ako at nakarinig na naman ako sa’yo ang isang kwento tungkol sa love. Ayokong sabihin na ’sana tumagal yan’ depende sa’yo kung tatagal yan. Basta tulad ng sabi ng iba…ENJOY IT! Real love story doesn’t end in a happy ever after.

    At pasensya na hindi na ako nag co-comment sa’yo. Busy e. Kita naman kahit sa blog ko hindi ako maka-update. xD

    Good Luck sa’yo at alam ko masaya ka na!

    (Masyado bang ma drama ang comment ko? LOLZ)

  5. 5 batanag palaboy
    October 28, 2007 at 2:12 pm

    pag napa lagay mo si ever gorgeous ella ng mga pink hearts na umuulan sa blog that means someone made her heart go kabog kabog hehe, you did it james! teka ano secret mo? haha,i know you’ll love ella with all your heart, take care of her !

  6. October 30, 2007 at 10:47 pm

    Maria, hehe natuwa kami dun, baby Jella, Cute. haha Imagination ko lang yan, don’t worry hehe

  7. October 30, 2007 at 10:52 pm

    Hi Vennisjean. Yup, we will work at it. I think we’re both mature enough to know that we have to compromise or meet halfway at some point. As long as the love is there, we’ll be okay.

  8. October 30, 2007 at 10:54 pm

    Ei Sham, tama ka, It’s really a wonder how love can make one smile all day long, no? Basta I’m happy right now. Thanks for wishing us well.

  9. October 30, 2007 at 10:56 pm

    Batang palaboy,
    Thanks from James and me, my friend.


Leave a Reply




…and your comments make my day

ella

My Other Site

baul ng kuwento

counter create hit
Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Categories

Mga bisita

  • 92,656 hits