The resident multo
May malaki at mamahaling restawran sa tabing-tabi namin. As in firewall lang ang pagitan. Naging kaibigan ko ang mga security guards ng restawrang ito dahil tinutulungn ako lagi sa pagbubukas ng gate ng garahe namin na saksakan ng bigat. Isang gabi, pag-uwi ko galing sa opisina, pinigil ako ni Mario, ang panggabing sikyo.
“Ma’am Ella, may multo po ba diyan sa bahay ninyo?” Huh? This is interesting. Kahi’t gutom na gutom na ako, humanda ako sa mahabang kuwentuhan.
“Bakit, may nakita ba kayo? Oy, baka naman magnanakaw ‘yon ha, nagpapanggap lang na multo”.
“Naku, ma’am Ella, ilang gabi na akong nakakakita ng babae dito sa restawran namin kapag madaling-araw.”
“Teka, Mario, diyan mo pala nakikita sa inyo eh bakit mo ako tinatanong kung meron kaming multo?”
“Eh kasi ma’am, diyan sa inyo galing, eh.”
Whoa! Anak ng tinapa! Eto na naman po kami. Matagal nang walang paranormal happening sa bahay namin. Mula nga noong nagpa-bless kami eh bigla silang naglahong parang mga multo (hehe).
“Teka, teka lang ulit, Mario. Paano mo naman nasabing sa amin nanggaling? Nakita mo bang lumabas talaga ng gate namin at naglakad papunta diyan sa restawran ‘nyo? O baka naman si Ana ‘yun, gusto lang umorder ng sweet and sour pork.”
“Alas-dos ng madaling araw, ma’am? Sarado na nga kami eh. Ako na lang ang gising dito. Galing po talaga sa inyo. At saka nung sinundan ko diyan din po bumalik.”
Whoa ulit! Dito sa amin umuuwi? Ano ‘yon multong nangangapit-bahay?
“Nakakatakot nga po ma’am, eh. Mabuti nga kung naglalakad, eh tangina, lumulutang eh!”
“Uy, shet Mario, ‘di na kanais-nais ‘yang kuwento mo ha! Lumulutang pauwi dito sa amin? Putsa naman, o. Eh kung makasalubong ko ‘yon!”
“Kasi po kagabi, nakita ko na naman ang aleng ‘yon. Galing ako sa banyo kaya nakita ko siyang pababa ng hagdan. Kaya kita ko po, ma’am, na walang paa, kasi nasa ilalim ng hagdan ang banyo namin eh. ‘Yun pa rin ang damit niya, parang daster na bulaklakin. Sinundan ko hanggang makalabas ng restawran. Kitang-kita kong pumasok sa gate ‘nyo.”
“Siyempre tumagos siya sa gate namin ‘di ba? Naka-lock ‘yon, eh.”
“Tumagos nga, ma’am.”
Anak ng…! Multo nga! Anyway, nagtanong ako kina Ana at Tatay kung may nakikita silang babaeng nakadamit na bulaklakin sa loob ng bahay namin. Aba, at sabay pang sumagot ng oo ang mag-ama. Dalawang beses na raw nakita ‘yon ni Tatay. The same place, twice.
Si Ana naman, sa kusina niya nakita, parang nagtatago pa raw sa gilid ng ref. Nakita niya ulit ang aleng multo kung saan laging nakikita ni Tatay. May favorite haunting place siya, kung ganoon. Pero iisa ng sinabi si Tatay at Ana. Mukhang malungkot daw ang aming resident multo.
Nagtanong-tanong na ako tungkol sa mga tumira sa bahay na ‘to. Ang una palang may-ari nito ay matandang dalaga at namatay ding dalaga. Putsa, matinding lab istori eh. Nag-abroad ang boypren niya bago sila ikasal.
Tapos, hindi na nakabalik dahil namatay sa car accident. Araw-araw, hanggang mamatay siya, hinihintay niyang bumalik ang mahal niya sa lugar na kung saan siya nakita nina Tatay at Ana. Sa may French window palabas ng garden.
Eto naman ang tanong ko, hindi ba sila nagkita ng boypren niya sa “the great beyond”? Bakit naghihintay pa rin siya dito sa bahay niya?
Ito ang lugar na laging pinaghihintayan ng multo sa isa pang multo. Sabi ni Tatay at Ana, ganitong-ganito raw ang pose ng multo noong nakita nila. Ang ipinagkaiba lang sa pose ko, nakaharap ang ale sa French doors (sa kaliwa ko). Nakahawak din daw sa silya at nakayuko. Vennisjean, nagsuot muna ako ng pulang blouse bago ko gayahin ang pose ng aming resident ghost. Buti na ‘yung sigurado.
P.S. nga pala. ‘Yun palang lote sa tabi namin eh part dati ng bahay na ‘to. ‘Yung resident ghost din ang may-ari. It was a garden yata dati, tapos nabili noong may-ari ng restawran. Baka lalong nalungkot kasi nawala na ang garden niya. Mahilig daw sa halaman ‘yon eh. Naku, baka akala niya totoo ‘yung bamboo tree sa likod ko, ah.




malamang noong nabubuhay pa siguro yung resident mumu dyan cutie ella baka inaantay nya yung umutang sa kanya baka may pautangan na business yan dati antay nya yung bayad
hindi nasabi ni “kapre” sa lady ghost na patay na rin ‘yong boyfriend na hinihintay niya…pagsabihan mo na lang Ella. Minsan daw, nakukuha sa pakiusap ang mga spirits….parang nasa likod mo nga ‘yong babae diyan sa picture..nagtatago sa kurtina…(JK
Good day to you!
ang ganda namang multo un. ay multo ba ung nakared? hahaha. pero elladear, dba sabi sabi ng mga matatanda pag naikwento na daw ung nakita mong multo sa kapwa mo tao, parang matatakot na ata ung multo na magpakita.
tska elladear, napansin ko lang. uhm bakit sayo nde nagpapakita ung mga multo? correct me if im wrong pero dun sa una mong kwento about kapre, nde ren nagpakita sayo. bakit lahat ata ng kasambahay mo, nakita na sila pero ikaw nde pa den? cguro dahel smiling face ka at ayaw nila sa smiling persons or bungisngis person? just a thought.
Tinatamad ka bang dalawin ang iyong loved ones sa sementeryo?
Text DALAW ON at i-send to 2366.
Sila mismo ang dadalaw sayo.
Text na!
—————————-
grabeng love story yan. kaw ba gusto mo ng ganyang klaseng pagmamahal? kunyari sabihan ka ng “mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay” ganito ba ang mangyayari sa nagmamahal sayo pag sya ay nasa kabilang mundo na?
di dapat katakutan yung multo sa inyo. bigyan kaya natin ng pangalan. Mathilde (Audrey Tautou’s character from A Very Long Engagement). Ipagdasal na lang natin si Mathilde and tell her (naks, kausapin ba ang multo) na kailangan nya lisanin tong mundong ibabaw because Manech (her bf) is waiting for her in heaven.
MIss E..Keep wearing anything red,tsaka pag may time ako makauwi province namin may kukunin ako dun for you, baka makatulong. Bakit nga kaya di siya nagpapakita sayo… Just keep praying for her. Baka sakaling mapalagay na spirit niya.
Kontakin mo kaya yung mga spirit questors, headed by Tony Perez. Nabasa ko kasi sa isang entry ni Manuel L. Quezon III dun sa blog niya tungkol sa kanila. Malay mo makatulong din.
Happy Halloween!!
May multo rin daw nakikita ang mga neighbors sa bahay namin sa pinas kasi natitirhan lang yun pag umuuwi kami. Sana pag-uwi namin lipat muna sya sa kapit-bahay.
That is sad
Someone should talk to her. She needs the ghost whisperer to help her transition.
By the way, please visit The Goddess In You as you have been tagged. I hope you don’t mind.
joy
The Goddess In You
>ok kwento mo ha marami k p bang karanasan sa mga munto.. matatakot na sana ako kaso hinahaluan mo ng tawa eh nawawala ung takot ko hehehe..
wala lng
ingat ka …. sa pinakamamahal qng bf MR. JENEFRED P. ABADA… i’m hir lng palagi xau
love
ur gf
mwah………………………………….