
Gabi…galing ka sa trabaho. Pagod ka na gutom ka pa. Of course, kahi’t hindi ka pa nagtatanggal ng sapatos, ang unang pupuntahan mo ay ang pridyeder. Hindi ‘nyo ‘to napapansin guys, pero obserbahan ‘nyo ang members ng family ‘nyo. Lalo na ang mga bata at mga teen-ager na lalaki.
Pagdating galing sa kung saang lupalop, ang unang pupuntahan at kukumustahin ay hindi ikaw na ina o ama. Lalampasan ka lang nila sabay bukas ng pinto ng pridyeder, ipapasok na maigi ang ulo sa loob, magtatagal doon na akala mo eh nasa loob ng vegetable crisper ang secret of the universe.
Wala naman silang kailangan sa loob ng pridyeder. Wala silang kukunin. Wala! Gusto lang nilang kumustahin kung nandoon pa rin ang kaning lamig na tira noong isang araw. Nasa appliance store ako kahapon. Nag-uusisa ako ng mga bagong style ng ref. Bigla akong napahagalpak ng tawa dahil sa isang priyeder.
Anak ng tokwa, oo. May susian ‘yung pinto ng ref! Mwahahahaha! Sabi ko sa tindera, “Miss, sigurado ka bang ref ito? Kaha de yero yata ito eh!” “Ref po yan ma’am”, sagot naman nung tindera. “Marami ngang bumibili ng ganyan eh.”
Why oh why? Why the hell on earth should any normal human being lock his refrigerator door? Unless siya si Captain pulis pangkalawakan ng mga kaning lamig.
I know, locked refrigerator doors eh hindi na bagong ideya. Matagal nang meron nito sa US and other countries para sa proteksyon ng maliliit na bata lalo na ‘yung mga toddlers. Pero dito sa Pinas? Naaaah, proteksyon ito para sa matatakaw na katulong at masisibang house guests mwahahahaha LOL
Bago ako mabaliw sa kakaisip kung dapat akong bumili ng ref na de-susi, maglilista muna ako ng mga dahilan kung bakit gusto kong susian ang pridyeder ko.
- Ang mga hikaw, bracelet at kwintas ay ilalagay ko sa lalagyan ng itlog
- And naipon kong pera, sa butter and cheese compartment
- Ang mga sinsing, sa ice tray
- Ang mamahaling pabango sa lalagyan ng mga bottled drinks
- Ang signature wallets and evening bags sa vegetable crisper
- Ang Prada boots, sa lalagyan ng kaning lamig
- At higit sa lahat, ang Victoria’s Secret underwear ko, sa chiller
Hay salamat, hindi na ako maloloka. Alam ko na ngayon kung bakit sinususian ang mga pridyeder. Dahil sa force of habit, kapag pinasok ng magnanakaw ang bahay ko, sa pridyeder din nga pala sila dederetso.


hmmmm…Nice idea!
Ma off topic lang ako. Ang alam ko lang na ginagawa sa ref ng hindi pampalamig ay yung mga sira at ginagawang aparador ang ref. ^_^ marami akong kapitbahay na ganun ang ginagawa sa ref nila e.
nakakatawa talaga yan. ibig sabihin, mas marami na yata ang conscious sa kanilang health! haha. or nakakaisip na ng bagong parusa ang mga parents o asawa sa kanilang mga anak or asawa. hehe.
Dati may susian din ref namin dahil proteksyon nga sa mga anak ko noon. Pero hindi naman ganyan ang lock na parang aparador…hehehe.
sham,
ah oo, may nakita na nga akong ganyan. Maganda nga kasi daming compartments hehe
Iris dear,
Palagay ko talaga nagtatago lang ng pagkain sa matakaw na katulong lolz
Ann,
Sa ibang bansa, talagang may lock para nga sa protection ng mga bata. Pero dito sa atin? Naaah, don’t think so. Hehe industrial ref ‘yan. Sa mga restaurants yata ginagamit ang ganyang lock eh